Share

Chapter 171

Author: Michellara
last update publish date: 2026-08-17 00:02:49

“Arghh!”

Isang malakas na hiyaw ang pinakawalan ko. Inis kong pinagpapalo ang kama habang nakakulob ang mukha ko sa unan.

“Bwìsit! Pagre-relax ang sadya ko kaya hindi ako pumasok sa opisina pero stress pa rin ang inabot ko! Tangìna!”

Inis akong napahilata sa kama at naglupasay na parang bata dahil sa labis na frustration sa sarili. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko, kaya naiiyak kong inabot ang malambot na unan at niyakap iyon nang mahigpit.

“Dito ka tuloy sa kabilang kwarto matutulog,
Michellara

Huwag na kasing umabsent sa trabaho dahil stress pa rin naman ang aabutin 😅😂

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 171

    “Arghh!”Isang malakas na hiyaw ang pinakawalan ko. Inis kong pinagpapalo ang kama habang nakakulob ang mukha ko sa unan.“Bwìsit! Pagre-relax ang sadya ko kaya hindi ako pumasok sa opisina pero stress pa rin ang inabot ko! Tangìna!”Inis akong napahilata sa kama at naglupasay na parang bata dahil sa labis na frustration sa sarili. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko, kaya naiiyak kong inabot ang malambot na unan at niyakap iyon nang mahigpit.“Dito ka tuloy sa kabilang kwarto matutulog, Jane. Tanga-tanga ka rin kasi! Kung sana pumasok ka na lang sa opisina, hindi sana nangyari ang kamalasan kanina!” parang tangang kinakausap ko ang sarili ko sa gitna ng dilim.Napatagilid ako sa pagkakahiga at naitutok ang tingin sa orasan sa ibabaw ng side table. Alas-diyes na ng gabi at hindi pa rin ako mapakali sa kinahihigaan ko. Paulit-ulit akong nagpapalit-palit ng pwesto, pero ayaw talagang dumalaw ng antok.Hindi sumabay sa amin si Aviv sa hapunan kanina. Nagpahatid lang siya ng pagkain

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 170

    Jane POVMabigat ang katahimikan sa loob ng lounge. Habang lumilipas ang bawat segundo, lalo kong nararamdaman ang bigat sa dibdib ko. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Pareho kaming naghihintay, pero parang walang gustong maunang bumasag sa nakakabinging katahimikan.Habang solong nakaupo si Kian sa four-seater sofa, nakayuko at halos hindi magawang igalaw ang kaniyang mga binti, ako naman ay nakapuwesto sa kabilang sofa, hindi mapakali habang paulit-ulit na nginangatngat ang kuko sa aking hintuturo hanggang sa bahagya na itong dumugo dahil sa tindi ng kaba ko.Pareho kaming hindi magawang tumingin sa lalaking nakatayo sa harapan namin.Nasa gitna namin si Aviv, nakapamulsa habang ang malamig at nakamamatay niyang tingin ay nakapako sa aming dalawa.“Ilang oras lang ako nawala sa mansiyon na ito, nagawa mo nang makipaglaro at habulan kay Kian,” malamig na basag ni Aviv sa namayaning katahimikan. May matinding bigat ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig.Naiangat ko ang t

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 169

    “I-CPR mo!” biglang sigaw ni Kian habang nakahawak sa sarili niyang pisngi. “Ano?! Nababaliw ka na ba?! Hindi ko alam kung paano mag-CPR ng isda!” sigaw ko pabalik sa kaniya habang halos maiyak na sa sobrang takot. “Akin na nga! Ako na ang gagawa!” Mabilis siyang lumapit at yumuko sa ibabaw ng Arowana. Walang arte niyang idinikit ang kaniyang mga labi sa maliit na bunganga ng isda at nagsimulang suplayan ng hangin ang baga nito habang ako naman ay patuloy sa pagmamasahe sa tiyan nito. Hindi ko na alam kung tama ba ang ginagawa namin, pero wala na kaming ibang maisip na paraan para mailigtas ito. “Shìt! Mabuhay ka, please! Sige na, pumalag ka naman, oh!” desperadong litanya ni Kian habang paulit-ulit na hinihipan ang isda at pagkatapos ay minamasahe ang katawan nito. “Isa... dalawa... tatlo... Hipan mo ulit, Kian!” utos ko habang nagmamadali. Ilang segundo ang lumipas bago biglang kumumpas ang buntot ng Arowana. Napahinto kaming dalawa. Muli itong gumalaw. “YES!” sabay naming

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 168

    Nakatutulala na lamang ako sa loob ng ilang segundo. Hindi ko magawang gumalaw o isipin kung ano ang dapat kong gawin. Paulit-ulit kong tinitigan ang Arowana na halos hindi na gumagalaw.Habang hindi pa rin ako makakilos sa matinding gulat, narinig ko ang papalapit na mga yabag. Ilang sandali lamang ay lumitaw si Kian sa may pintuan ng dining hall.“Jane? Anong ginagawa mo riyan at bakit para kang nakakita ng mu—?”Hindi natapos ni Kian ang kaniyang sasabihin nang mapasulyap siya sa loob ng fish tank.Sa isang kurap, mabilis na nawala ang kulay sa mukha niya. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa isda.Agad siyang lumapit sa akin.“J-Jane...” nauutal at nanginginig na tawag niya sa akin. “A-Anong... anong nangyari sa alaga ni Mama Ava?!”“H-Hindi ko alam!” hysterical kong sagot sa kaniya habang nanginginig din ang buong katawan ko. “Iniwan ko lang ’to nang ilang minuto para magbanyo! Pagbalik ko, ganyan na!”Biglang napahawak si Kian sa kaniyang dibdib at napasandal s

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 167

    Nang matapos kami ni Angeli sa pagpupunas ng mesa at mga upuan, napadako ang tingin ko sa heart-shaped fish tank na nasa gilid ng dining hall. Sa loob niyon ay malayang lumalangoy ang isang napakagandang uri ng Arowana, ang platinum Arowana na isa sa pinakamahal na alagang isda ni Aviv.Dahil pinalipat kamakailan ni Aviv ang kaniyang koleksyon ng Peppermint Angelfish, ang ipinalit niya ay ang nag-iisang Arowana na ’yan.Pero higit pa sa halaga ng isdang ’yan, may mas malalim itong kuwento. Ang Arowana na ’yan ay ang natatanging alaga na nagmula pa sa namayapa niyang ina na si Doña Ava. Para kay Aviv, hindi lang basta alaga sa aquarium ang isdang ’yan. Isa itong alaala ng kaniyang pinakamamahal na ina, kaya alam kong espesyal ito para sa kaniya.“Angeli, pakikuha nga ng paboritong pakain ng Arowana sa cabinet,” utos ko. “Napansin ko kasing parang hindi pa ito napapakain ngayong umaga.”Agad naman siyang tumalima at nagtungo sa cabinet. Nang maiabot niya sa akin ang lalagyan ng feeds, m

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 166

    Jane POVAraw ng Miyerkules at naisipan kong huwag munang pumasok. Kaunti na lang naman ang kailangang asikasuhin sa opisina, kaya mas pinili kong mag-stay muna sa mansiyon para kahit papaano ay makapag-relax at makapagpahinga ako.Pero hindi porke day off ko ay tutunganga na lamang ako buong araw sa kwarto. Ayaw kong mabagot sa itaas, kaya naisipan kong bumaba sa main floor at tumulong sa mga gawaing-bahay.Pagkapasok ko sa dining hall, nadatnan ko si Angeli na abalang nagva-vacuum sa sahig. Nang mapansin niya akong nagsimulang magpunas ng mesa ay agad siyang napahinto at nagsalita.“Ma’am Jane? Bakit po kayo naglilinis? Ako na po riyan, malapit na rin po akong matapos sa pagva-vacuum. Isa pa po, hindi po kayo pinagtatrabaho ni Sir Aviv rito. Baka kapag nalaman niya ito ay pagalitan niya kami,” nag-aalalang saad ni Angeli nang lumapit sa akin.Pero hindi ako nakinig sa kanya. Agad kong kinuha ang basahan na nakasuksok sa bulsa ng suot niyang maid uniform.“Naku, okay lang, Angeli. Wa

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 006

    LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 005

    Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 004

    Nasa loob na ako ng isang bakanteng kuwarto dito sa bahay nina Lolo Esteban at Lola Alicia. Katatapos ko lang maligo at ngayon ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Naibaling ko ang tingin sa pintong gawa sa lumang tabla. Unang pumasok si Lola Alicia, kasunod si Aviv na may

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 003

    “Paano po ’yung kotse ko, sir?” ani ko, sabay lingon sa kotse kong nakaparada sa gilid ng kalsada “I’ll have my staff to take care of your car,” he said calmly. “Get in,” utos niya pagkabukas ng pinto kaya walang sabi-sabing sumunod ako. Pagkaupo ko sa mamahaling leather seat, muli akong napaya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status