تسجيل الدخولJane's POV
Isang marahas at sunod-sunod na katok ang biglang nagpahinto sa amin ni Aviv. Kapwa kami napalingon sa madilim na salamin ng bintana nang maputol ang aming mainit na halikan. May tao sa labas. Isang anino ng lalaki ang lumitaw sa tinted na bintana dahil sa liwanag ng mga ilaw sa parking lot.Pareho kaming naghahabol ng hininga, hapong-hapo at napapalibutan ng matinding init matapos ang isang mapusok at mainit na tagpo sa loob ng sasakyan.“Jane?”Aviv POV “Sir Aviv, bakit napaaga po kayo ng uwi?” bungad sa akin ni Nicole pagkababa ko pa lamang ng kotse. May bitbit siyang hedging shears na ginagamit niya sa pagtatabas ng mga halaman sa hardin. “Si Jane?” “Umalis po, Sir. Ginamit niya po ’yong estate cart papunta roon sa may kakahuyan. Gusto niya raw pong magmuni-muni.” Magmuni-muni o magsisigaw? Kilala ko siya. Kapag gusto niyang mapag-isa at pumupunta sa malayo, siguradong bubulahawin niya ang mga ibon sa kakahuyan dahil sa pagsigaw niya para ilabas ang lahat ng frustrations niya. Napadako ang tingin ko kay Sid nang lumapit siya sa amin. Bitbit niya ang malaking bouquet ng mga bulaklak na ako mismo ang nag-order para sa asawa ko. Pinili ko ang mga sariwang bulaklak na may malalim na kulay pula. Mga rosas na para sa akin ay sumisimbolo sa matagal ko nang itinagong damdamin para sa kaniya. “Ang ganda po ng mga bulaklak, Sir. Kinikilig ako sa inyo ni Ma’am Jane,” masayang saad ni Nicole habang nakatitig sa hawak ni Sid. Na
Jane POV“Bakit parang sinisipon ka?” hindi ko mapigilang itanong sa asawa ko noong nahalata kong panay ang singhot niya.“Wala 'to,” 'yon lang ang maikling sagot niya.Muli, napabuntong-hininga na naman ako habang nakatitig sa kaniya.“Limang araw na tayong hindi magkatabi sa iisang kama... Parang ayaw mo na yata sa akin.” Hindi na ako nagpaawat pa na sabihin iyon. Napapansin ko kasi na parang sanay na siyang magkahiwalay kami ng kwarto.Tinitigan ko siyang muli. Ayan na naman siya, hindi na naman umiimik.Diyos ko po! Hanggang kailan ba siya magiging ganito sa akin? Hanggang kailan niya ako matitiis na hindi kinakausap?Gusto ko nang sumabog sa galit. Hindi talaga ako sanay na ganito siya katahimik. Ayos lang sana kung isang araw lang, pero limang araw na siyang malamig ang pakikitungo sa akin.“Kunin ko na lang ang mga gamit ko doon sa kwarto mo para doon na lang ako manatili sa kabilang kwarto,” may pait kong sabi.“Ikaw ang bahala,” sagot niya na muling ikinasikip ng dibdib ko.N
Aviv POVPagkatapos kong maligo, paglabas ko ng banyo ay agad na napadako ang tingin ko kay Jane, na nakaharap sa malaking salamin. Seryoso niyang inaayusan ang sarili habang nakasuot ng seksing office attire.Tahimik ko siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayon ko lang siya nakitang magsuot ng ganyang kahapit na damit at kaiksing palda. Ang suot niya ay isang itim na pencil skirt na may kapansin-pansing slit sa gilid, sapat para lantad na makita ang makinis niyang binti. Sa itaas naman ay nakasuot siya ng hapit na blouse na lalong nagbigay-diin sa kurba ng kaniyang katawan.Mukhang sinasadya niya yatang magsuot ng ganyan para pansinin ko siya.“Bilisan mo na magpalit, baka ma-late na tayo,” paalala niya sa akin habang hindi man lang ako binalingan ng tingin. Abala pa rin siya sa pag-aayos ng kaniyang buhok sa harap ng salamin.Gusto ko sanang magreklamo dahil sa tuwing itinataas niya ang kaniyang mga kamay para ayusin ang buhok, lalo lamang umaangat ang tela ng palda
Aviv POV Sinundan ko ng tingin ang asawa ko habang nagmamadali siyang lumapit kay Kian. Halos matapilok pa nga siya sa pagmamadali, para lang tulungan ang damuhong iyon. Nang marating niya ang kinaroroonan ng pamangkin ko, agad niyang inangat ang ulo nito mula sa damuhan. Pinaupo niya ito nang bahagya at isinandal sa kaniyang katawan. Magkadikit na ngayon ang balat nilang dalawa. Nakahawak ang kamay ni Jane sa balikat ni Kian, habang ang ulo ng gago ay halos nakasubsob sa dibdib ng asawa ko. Napahigpit ang pagkakakuyom ng aking kamao. Masyadong masakit sa mga mata ang makitang ganoon sila kalapit. “Aviv, tulungan mo ako! Dalhin natin siya sa mansiyon. Tingnan mo naman, nawalan na talaga siya ng malay!” tawag niya sa akin, bakas sa boses niya ang labis na pag-aalala. Hindi ako agad gumalaw sa kinatatayuan ko. Sa halip, inilabas niya na lamang ang cellphone niya at mabilis na tumawag para humingi ng tulong. “Kuya Tope, puwede bang pumunta kayo rito ni Sid? I need help! Ngayon na.
“Arghh!” Isang malakas na hiyaw ang pinakawalan ko. Inis kong pinagpapalo ang kama habang nakakulob ang mukha ko sa unan. “Bwìsit! Pagre-relax ang sadya ko kaya hindi ako pumasok sa opisina pero stress pa rin ang inabot ko! Tangìna!” Inis akong napahilata sa kama at naglupasay na parang bata dahil sa labis na frustration sa sarili. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko, kaya naiiyak kong inabot ang malambot na unan at niyakap iyon nang mahigpit. “Dito ka tuloy sa kabilang kwarto matutulog, Jane. Tanga-tanga ka rin kasi! Kung sana pumasok ka na lang sa opisina, hindi sana nangyari ang kamalasan kanina!” parang tangang kinakausap ko ang sarili ko sa gitna ng dilim. Napatagilid ako sa pagkakahiga at naitutok ang tingin sa orasan sa ibabaw ng side table. Alas-diyes na ng gabi at hindi pa rin ako mapakali sa kinahihigaan ko. Paulit-ulit akong nagpapalit-palit ng pwesto, pero ayaw talagang dumalaw ng antok. Hindi sumabay sa amin si Aviv sa hapunan kanina. Nagpahatid lang siya ng pa
Jane POVMabigat ang katahimikan sa loob ng lounge. Habang lumilipas ang bawat segundo, lalo kong nararamdaman ang bigat sa dibdib ko. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Pareho kaming naghihintay, pero parang walang gustong maunang bumasag sa nakakabinging katahimikan.Habang solong nakaupo si Kian sa four-seater sofa, nakayuko at halos hindi magawang igalaw ang kaniyang mga binti, ako naman ay nakapuwesto sa kabilang sofa, hindi mapakali habang paulit-ulit na nginangatngat ang kuko sa aking hintuturo hanggang sa bahagya na itong dumugo dahil sa tindi ng kaba ko.Pareho kaming hindi magawang tumingin sa lalaking nakatayo sa harapan namin.Nasa gitna namin si Aviv, nakapamulsa habang ang malamig at nakamamatay niyang tingin ay nakapako sa aming dalawa.“Ilang oras lang ako nawala sa mansiyon na ito, nagawa mo nang makipaglaro at habulan kay Kian,” malamig na basag ni Aviv sa namayaning katahimikan. May matinding bigat ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig.Naiangat ko ang t
LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala
Nasa loob na ako ng isang bakanteng kuwarto dito sa bahay nina Lolo Esteban at Lola Alicia. Katatapos ko lang maligo at ngayon ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Naibaling ko ang tingin sa pintong gawa sa lumang tabla. Unang pumasok si Lola Alicia, kasunod si Aviv na may
“Paano po ’yung kotse ko, sir?” ani ko, sabay lingon sa kotse kong nakaparada sa gilid ng kalsada “I’ll have my staff to take care of your car,” he said calmly. “Get in,” utos niya pagkabukas ng pinto kaya walang sabi-sabing sumunod ako. Pagkaupo ko sa mamahaling leather seat, muli akong napaya







