Jane POVMabilis akong lumabas ng pangunahing bahay para salubungin siya.Pagkalapag ng sleek black helicopter sa bakanteng lote ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko, agad na bumaba si Aviv.Habang naglalakad siya palapit sa akin, napangiti ako nang bahagya. Nakasuot pa rin siya ng tailored formal suit, may suot na sunglasses, at seryosong-seryoso ang mukha.Pagkarating na pagkarating niya sa harapan ko, mabilis niyang hìnubad ang sunglasses at isinuksok iyon sa bulsa ng kanyang suit jacket bago ako matalim na tinitigan.“Akala ko, bukas ka pa pupunta?” ani ko bago dahan-dahan lumapit para amuyin siya. “Mukhang hindi ka pa naliligo, ha,” biro ko sa kanya.Napawi ang ngiti ko nang mapansin kong lalong dumilim ang mga mata niya. Did I piss him off? Dahil hindi ko siya hinintay bago ako pumunta rito sa probinsiya?“Ilang beses akong tumawag sa iyo, pero out of reach ka,” aniya, mabigat at seryoso ang boses.“Mahirap ang signal rito,” paliwanag ko. “Ilang ulit ko ring sinubukang
Read more