“Ano, manonood ka na lang ba?”“N-No… please…” pagmamakaawa ng asawa ko sa nanghihinang boses. “Don’t you dare, Scarlet. Kapag itinuloy mo iyan, mananagot ka,” may gigil niyang saad.Napahalakhak lamang ang anim bago lumapit si Donato. Sinipa niya si Aviv sa tiyan, dahilan para mapaubo siya. Muli nitong sinipa ang asawa ko, mas malakas pa kaysa sa una, at pagkatapos ay inapakan ang dibdib niya nang may pwersahang pagbagsak ng paa, dahilan para umubo siya ng dugo.“No, please! Let him go. Just kill me already, basta buhayin n’yo lang ang asawa ko.”Pero hindi nakinig si Donato. Walang tigil niyang pinagsisipa ang asawa ko hanggang sa tuluyan na nitong naipikit ang mga mata.Iniatras ni Scarlet ang kutsilyo at tuluyan nang umagos ang dugo mula sa maliit na sugat sa pagitan ng dibdib ko.“Did you already kill him?!” Lumapit si Scarlet at napaupo para hipuin at suriin ang pulso sa leeg ni Aviv.“Fuck, Donato! He is not breathing anymore!” hiyaw niya, na siyang ikinapanghina ng mga tuhod k
Read more