Jane POV“Baby?” mahinang tawag sa akin ni Aviv.“Hmm?” nakapikit ko namang sagot.“Sobrang init,” aniya, na siyang ikinamulat ng aking mga mata. “Kailan ba babalik yung kuryente rito? Simula kaninang umaga hanggang sumapit na lang ang gabi, wala pa rin. Kahapon naman, patay-sindi ang ilaw. Ganito ba talaga rito?”Kahit ako, naiinis na rin sa patay-sinding ilaw. Nayayamot ako dahil kung kailan sobrang init ng panahon, saka pa panay ang brownout. Pareho na kaming pinagpapawisan ni Aviv kahit nasa balkonahe na kami ng kubo.“Gumamit ka na lang ng pamaypay,” sabay bigay ko sa kanya ng abaniko. “Lakasan mo. Paypayan mo rin ako.”“Nangangalay na ang kamay ko kakapaypay. Sana pala bumili na lang tayo ng generator. Parang Christmas light ang ilaw dito sa probinsya, patay-sindi.”“Shhh. Gabi na. Magpaypay ka na lang riyan at subukan nating matulog,” saway ko.Mahina siyang napatawa bago inabala ang kamay sa pagpapaypay gamit ang abaniko ni Lola Alicia. Ramdam ko ang manipis na hangin na dumad
Read more