“Sige, pakilagay na lang po sa kama,” utos ko sabay hila ng pinto para mas makadaan silang dalawa.Habang ibinababa nila ang mga bag, muli akong nakatanggap ng text galing sa asawa ko.“Nakarating na ba ang mga damit?”“Yeah,” mabilis kong reply.“Isuot mo ’yung nasa red paper bag. Isukat mo kung kasya ba sa ’yo,” agad niyang sagot.Napatingin ako sa tanging red paper bag na namumukod-tangi sa ibabaw ng kama.“Anong laman nito?” tanong ko sa text.“Secret,” sagot niya. “Basta buksan mo na lang para malaman mo.”“Labas na po kami, Ma’am,” paalam ng dalawang kasambahay matapos mailapag ang lahat.“Sige, salamat po,” tugon ko at napangiti lang ako sa kanila habang papalabas na sila.Pagkasara na pagkasara ng pinto, agad kong nilapitan ang kama at binuhat ang pulang paper bag. Inusisa ko ang laman nito. Napaawang na lamang ang mga labi ko at parang nabilaukan ako sa sarili kong laway nang bumungad sa akin ang isang napakaseksing lingerie set. Isang itim na sheer lace lingerie na halos tra
Magbasa pa