เข้าสู่ระบบSalamat po sa suporta, sana subaybayan ninyo ang story na ito hanggang wakas ❤💜
Aviv POVLumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang Sabado, ang araw na itinakda para sa pakikipagkita ko kay Mr. Montefalco para sa isang golf match.Maaga akong nakarating sa malawak at eksklusibong golf course. Sariwa ang hangin at maaliwalas ang panahon, perpekto para sa isang larong madalas ay hindi lang tungkol sa husay, kundi isa ring tahimik na paraan ng pakikipagnegosasyon.Agad kong namataan si Mr. Montefalco na nakatayo sa may green field habang hawak ang kaniyang golf club. Kasama niya si Mr. Arthur Ross. Halos magkaedad lang ang dalawa, at kapwa sila mga beteranong negosyante na matagal nang iginagalang sa industriya.“Aviv! Mabuti at nakarating ka,” nakangiting bati ni Mr. Montefalco nang makalapit ako. Lumapit siya at nakipagkamay. “Matagal na rin mula nang huli tayong magkita sa business summit.”“It's a pleasure to see you again, Mr. Montefalco, Mr. Ross,” pormal kong bati habang nakikipagkamay sa kanilang dalawa.Nagkaroon muna kami ng maikling kumustahan. Gaya ng
Jane POVMatapos naming maubos ang ice cream at makipagpalitan ng kaunting kulitan kay Rochelle, nagpasya na kaming maghiwa-hiwalay pauwi. Inatasan ni Aviv si Sid na ihatid nang ligtas si Rochelle sa kanilang bahay bago kami tuluyang sumakay sa loob ng kotse.Tahimik lang ako habang nakasandal ang ulo ko sa passenger seat. Ramdam ko pa rin ang bahagyang hapdi sa aking mga mata dahil sa matagal na pag-iyak kanina, pero ang paninikip ng dibdib ko ay unti-unti nang gumagaan.Naramdaman ko ang pag-abot ng kamay ni Aviv sa kandungan ko. Marahan niyang hinawakan ang mga daliri ko at pinaglapit ang mga kamay namin. Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ko, hindi binibitawan ang kamay ko habang marahan niyang hinahaplos ang likod ng aking palad gamit ang kaniyang hinlalaki.“Malamig ba?” mahinahon niyang tanong.Umiling ako at tipid na ngumiti sa kaniya. “Hindi naman... sakto lang.”“Get some rest habang nasa biyahe tayo. Gigisingin na lang kita kapag nasa mansiyon na tayo,” malumanay niyang sa
Hindi ako agad nakapagsalita kaya si Rochelle na mismo ang sumagot para sa akin. “Nag-krus ang landas nila ng biological mother niya kanina,” panimula ni Rochelle habang bahagyang pinapalambot ang boses. “Masakit 'yung mga salitang binitiwan sa kaniya. Itinanggi siya at sinabi pang isa siyang bunga ng kasalanan at isang malaking kamalasan sa buhay nito. Kaya ayan... durog na durog ang puso ng asawa mo.” Bahagyang lumambot ang matigas na ekspresyon sa mukha ni Aviv nang marinig iyon. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko, habang si Rochelle naman ay kusang umusog nang kaunti para bigyan kami ng espasyo. Maingat niyang inabot ang mukha ko. Dahan-dahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok na dumikit sa basa kong pisngi bago marahang hinimas ang ulo ko. “Listen to me, Jane,” malumanay niyang sabi habang diretso ang titig sa akin. “Huwag mong hayaang ubusin ka ng mga salitang binitiwan niya. Alam kong masakit... sobrang sakit. Pero huwag mong hayaang sirain ng mga iyon ang sarili mo dah
Jane POV“Tama na 'yan, Jane. Kanina ka pa umiiyak...” mahinahong pagpapatahan sa akin ni Rochelle habang dahan-dahan niyang hinahaplos ang likuran ko.Makailang ulit akong napapasinghap nang marahas. Paulit-ulit akong napapatingala sa madilim na kalangitan para pigilan ang mga luhang patuloy na bumabagsak, pero ayaw talaga nilang tumigil.Hinila ako ni Rochelle at marahan akong pinasandal sa kaniyang balikat.Napatanaw na lamang ako sa malayo. Gabi na at tahimik na ang paligid dito sa Metro Sea Side Park. Sa di-kalayuan, maririnig ang banayad na paghampas ng mga alon sa dalampasigan na sinasabayan ng malamig na simoy ng hangin.Nang ikuwento ko sa kaniya ang pait ng naging komprontasyon namin ng biological mother ko kanina, at nang mapansin niyang halos hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak, hindi na siya nag-atubiling samahan at dalhin ako sa lugar na ito.Dalawang beses pa lang akong nakaranas ng ganitong klaseng pagkawasak sa buong buhay ko. Ang una ay noong nalaman kong hind
Aviv POVNakatitig ako sa kawalan habang hawak ang isang baso ng whisky sa loob ng aking opisina. Tahimik ang buong silid, tanging ang mahinang paglangitngit ng yelo sa baso ang paminsan-minsang pumapawi sa katahimikan. Pero sa kabila ng katahimikan, magulo ang isip ko.Paulit-ulit akong dinadala ng alaala sa mga nagdaang taon. Sa mga panahong pilit kong itinatago ang tunay kong nararamdaman sa likod ng isang malamig na mukha.At lahat ng iyon ay tungkol kay Jane.Matagal ko nang pinagdasal na siya ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. Kahit pa, na nasa piling pa siya ni Kian. Sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin ni Jane, sa mansiyon man o sa kahit anong pampublikong okasyon, pakiramdam ko'y biglang nag-iiba ang ikot ng mundo ko.Isang mabilis na sulyap lang mula sa kanya o isang simpleng ngiti, sapat na para magbigay ng kakaibang init sa malamig at madilim kong mundo. Ngunit kailangan kong magtimpi at ikubli ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya dahil nasa piling na
Ang bawat salitang binitiwan niya ay parang malamig na tubig na walang awang ibinuhos sa akin. Nakatitig lang ako sa kaniya, pilit na naghahanap ng kahit katiting na pagmamahal o pagkilala sa kaniyang mga mata, pero wala... purong lamig at disgusto lang ang bumungad sa akin.Akmang hahakbang pa sana ako palapit sa kaniya para magmakaawa na kilalanin niya man lang ako at huwag akong ikaila, dahil hindi ko naman siya pipilitin na tanggapin o makasama ako, nang biglang pumagitna si Lola Alicia.“Rose... tama na 'yan. Aminin mo na lang sa kanya ang totoo, anak...” nanginginig ang boses na pakiusap ni Lola Alicia habang hinahawakan ang braso ng anak niya. Kasabay niyon, marahan din niya akong hinawakan sa balikat na tila gusto niya akong ilayo sa sitwasyon. “Huwag mo nang saktan ang bata—”“Sige! Aaminin ko na ang totoo. Ako nga ang nanay mo. Eh ano naman ngayon?!” sigaw niya sa akin.Marahas niyang itinabig ang kamay ng kaniyang ina. Sa pagkakataong ito, tuluyan nang napalitan ng nag-aala
Isang matangkad na lalaki ang makikita sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng charcoal overcoat. Anino pa lang nito ay bakas na ang awtoridad at panganib. Nanlaki ang mga mata ko noong hubarin ng lalaki ang suot niyang overcoat at tumambad ang dalawang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. Marahan
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala
LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng
Jane's POV Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon. Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil buk







