CHAPTER 161 Nagulat si Dashi nang bigla na lang siyang niyakap ni Madam Stephanie sabay haplos sa kanyang buhok. “Oh, you poor thing.” Hindi niya alam kung yayakap ba siya o kakalas dito. Wala kasi siyang maintindihan sa inaakto ni Madam Stephanie sa kanya na parang awang-awa. Awa saan? Awa ba na hindi niya alam na may kapatid si Adriana Cielo? Ano naman kinalaman niya roon? “Excuse me, Madam. Foods are ready,” singit sa kanila ng staff ng Restaurant kaya bumitaw sa pagkakayakap sa kanya si Madam Stephanie. “Okay, thank you. Tara na, Iha?” yaya nito saka isinukbit ang kamay sa braso niya. Pagbalik nila sa mesa ay pinalipat ni Madam Steph ang asawa nito sa tabi ni Shaun. “What? Come on, tabi tayo,” tutol ni Sir Nix. “Gusto kong katabi ngayon si Dashi. Okay lang naman iyon baby Shaun, di ba?” Mabait na tumango ang bata kaya sumimangot na si Sir Nix. Wala naman itong nagawa kundi tumabi na sa apo. Asikas
Read more