CHAPTER 178 LAMPAS TRENTA minuto ang nakalipas, nasa harap na sila ng Mayor ng lungsod. Kinailangan nila ng dalawa pang witness kaya tinawagan ni Dashi si Devorah na nasa siyudad din pala habang kay Vioxx naman ay ang kakambal nito ang dumating. “Congratulations, Mr. and Mrs. Almeradez,” bati ng Mayor matapos silang pumirma ni Vioxx sa mgadokumento. “Well, Vioxx Iho. You may now kiss, Mrs. Almeradez.” Hinapit siya ni Vioxx sa baywang para halikan. Siya naman ay ipinulupot ang mga bisig sa batok nito habang ang isang kamay ay may hawak pang wedding boquet. Kinunan sila ng picture ni Devi habang masaya itong pumapalakpak. Pagktapos ng h alik ay binati sila ulit ng Mayor, nina Devi saka ng dalawa pang empleyado ng City Hall na naroroon. “Congratulations, Brother,” seryosong wika ni Asher sa kapatid. Nag arm shake ang dalawa sabay man to man hug. Hindi naman nagulat si Dashi nang si Asher ang dumating kanina kasi alam niyang kah
Read more