CHAPTER 181 Suminghot ito saka bumuntong-hininga. “Patawarin mo kami, Dashi, kung hindi namin nasabi sa ‘yo ang tungkol sa anak niyo lalo na kay Vioxx. Pati na rin iyong… iyong kasalan niya.” Nahihirapan itong lumunok. “Iyon kasi ang pinakamagandang gawin kasi desperado na rin ako na huwag kang masaktan. Bilang tatay mo, dapat pinakulong ko na si Vioxx. Pero desperado na rin ako noon na pareho kayong maligtas ng apo ko. Walang akong magawa kundi lunukin na lang para lang mabuhay kayo.” Umupo siya sa tabi nito. “Pasensya na, Anak. Kung…kung may pera sana si Tatay noon, sana may pagpipilian din ako.” Namula na rin ang mga mata nito. “Kaso wala, e. Kahit ibenta ko ang dalawa kong kidney, o kaya mangholdap ako sa bangko, hindi pa rin sasapat. Kaya pumayag na lang ako sa pakiusap ng mga magulang ni Vioxx. Hindi ipapakulong si Vioxx kasi ipaparehab nila, ibabalik sa eskwela para matuwid ang landas.” “Umamin daw po si Vioxx sa ‘yo?”
Read more