CHAPTER 13 “Bakit po ka po ba kasi nakikipagkompetensya sa kanya?” Sandali itong natigilan. Parang natauhan sa kung ano. “I’m not!” “Opo kaya. Sige ka, iisipin ko may gusto ka sa akin,” akusa niya pa. “You’re not my type, Coralde!” Parang narinig niya ang puso niya na sumigaw ng ‘aray!’. Subalit, hindi rin siya papatalo. Diretso ang tingin sa mata nito at taas-noo niyang sinabi na;“Hindi rin po kita type. Napakasungit ng sobra. Akala mo inutangan ng bilyones at hindi na binayaran kaya masungit.”Nag-igtingan ang panga nito. “Sino ang type mo? Si Killian? Ahmed?!”“Si Killian palangiti. Hahaba ang buhay kapag palaging tumatawa.”“You want a f ucking clown?! Magsama kayo!”“Si Ahmed,” laban niya pa, pikon na rin. “Ang ganda ng mata. Habambuhay kong titingnan ‘yon tapos magiging maganda na ang araw ko. Hindi katulad mo na palaging nakabusangot. Mabilis kang made-dedo, Bossing!”“That mouth!” gigil nitong wika.“Oh, bakit po. A
Last Updated : 2026-06-02 Read more