Mag-log inCHAPTER 96 “Ako na ang manghihiram ng utensil. Hanap ka na lang ng mesa natin,” wika niya kay Celine nang makarating sila sa malaki at maaliwalas na cafeteria ng Northshire Academy. “Okay po.” Masunurin naman itong tumango. Ilang sandali lang ay ibinigay na sa kanya ng staff ang inorder niyang pagkain sa online app ng Academy kaninang mga alas-dyes ng umaga. “May ice cream cake pa po kayo? Magpapadagdag sana ako ng isa pa,” sabi niya sa staff. “Naubos na po, Ma’am. Favorite po kasi iyon ng mga estudyante rito.” “Okay. Thank you.” Dalawa lang kasi ang napa-reserve niyang ice cream cake para tig-isa sila ni Shaun. Hindi niya naman inaasahan na sasama sa kaniya si Celine. Bitbit ang tray ay hinanap ng kanyang mata si Celine. Lihim siyang napangiti nang makitang nakaupo ito sa mismong tabi ni Shaun. “Go away!” masungit na wika ni Shaun dito. “Diyan ka lang. Hindi ka pwedeng umalis
CHAPTER 95 GALIT din sa kanya si Shaun. Malamang!, galit talaga ito dahil ipinahamak niya. Minahal siya nito at itinuring na ina pero pangta-traydor lang ang isinukli niya. Inasahan naman na ni Dashi na hindi na siya papansin ni Shaun pero, ang sakit pala na maranasan. Mabilis siyang tumalikod nang makitang papalabas si Vioxx sa classroom ni Sir Levi. Pasimple siyang nagpunas ng luha nang may kumublit sa kanya. Lumundag ang puso niya sa pag-aakalang si Vioxx. Ngunit, hindi pala bagkus ay batang babae na maganda. “Hi, are you in my class?” “Opo. My name is Celine Cristo,” malakas ang boses na pakilala nito na may kasama pang pagkumpas ng kamay. “What’s your name po, Teacher?” Malambing na ngumiti siya. Ito ang first honor noong nakaraang academic year sa buong Grade 2. “Hi, Celine. I’m Teacher Dashi, nice too meet you. Pasok na tayo sa loob?” “Okay po,” tango nito at saka humawak sa kanya kamay. Bago pa sila makapa
CHAPTER 94 “PASOK NA, MA!” pilit ng anak nitong lalaki sa Ginang na nagmamatigas sa may pinto ng sasakyan. “Mag-isip isip ka, Danica Shane! Dapat lumaki ka ng hindi hikahos kung hindi lang dahil riyan kay Argo. Napakamakasarili. Hindi man lang inisip na hindi mo gusto na lumaking isang kahig, isang tuka. At talagang inatang pa sa ‘yo ang lahat ng responsibilidad na iahon siya sa hirap.” Isinara na ni Danica Shane ang gate para hindi na makapasok ang mga ito. Paglingon niya sa likuran ay natulos sa kinatatayuan ang dalawang matanda. “Tara na po sa loob,” yaya niya sa mga ito. Si Tiya Rudy na hindi makatingin sa kanya ay kumilos para pumasok. Pero ang tatay niya ay nanatiling nakatayo roon at yukong-yuko. Hinawakan ito ni Dashi sa braso at sinilip. Nabaghan siya ng husto ng makitang nangingig ang mga labi nito at nanunubig ang luha sa mga mata. “Tatay, huwag ka ng umiyak. Wala naman po akong pakialam sa mga pinagsasabi ni Tita Merlyn.”
CHAPTER 93 “Itikom mo ang bibig mong iyan!” Nandidilat ang mata ni Tiya Rudy sabay lingon sa bahay para tingnan kung narinig niya ba. Hindi siya nito nakita dahil nakasilip sila ni Ate Nita sa may kusina. “Totoo naman!” “Umalis na kayo. Alis!” “Hindi kami aalis hangga’t hindi pumayag si Danica Shane na hanapan niya ng trabaho sa abroad ang anak ko.” “Ngek!” bulalas ni Ate Nita sa tabi niya habang napairap naman siya ng matindi. “Ayun! Kaya pala nagkakandarapa ka pumunta rito kahit sobrang aga pa, dahil hihingi ka ng pabor. Ang kapal naman ng mukha mo yata, Merlyn!” “Anong masama sa sinabi ni Mama?” sabat ng lalaking mukhang trentahin na pero bonjing pa rin. “Pamilya naman tayo. Ang damot naman yata ni Danica Shane kung hindi niya ako hahanapan ng trabaho sa London.” “Magsilayas kayo kung ayaw niyo talagang—” “Hindi kami aalis dito!” malakas na sabi ni Tita Merlyn at sinubukang i
CHAPTER 92 May malakas na bumusina sa highway kaya natauhan si Danica Shane sa sandaling pagkakatulala sa kinatatayuan. Nagmamadaling lumabas siya compound ng NICC Hospital. May nag-alok agad ng tricycle pero tumanggi siya at dumiretso agad sa sidewalk ng highway. Hindi pa man siya nakakalayo, napansin na ni Dashi ang kulay itim na kotse na lumabas sa malaking gate ng NICC hospital. Dahil nakababa ng bahagya ang bintana niyon ay kita niya na si Vioxx ang nagmamaneho. Nakasuot man ito ng sunglasses ay ramdam ni Danica Shane na nakita siya nito lalo pa’t parang pagong sa bagal ang takbo dahil maraming naglalakihang sasakyan sa highway. Nag-iwas na siya ng tingin at tuloy-tuloy na naglakad nang nakalampas iyon sa kanya. Napuno yata ng alikabok ang mukha niya nang makarating siya sa compound ng Robinson Mall. Naginhawaan lang nang makapasok sa loob dahil sa malamig na aircon. “Dashi, dito!” Nakita niya ang tatay niya na kumakaway sa isa sa
CHAPTER 91[DASHI] PAGKATAPOS ng mahabang panahon, sa wakas ay nakabalik din siya sa Camarines Sur. Ang dami niyang masasayang alaala roon kahit noong magising siya mula sa pagkaka-comatose ay pinili nila ng Tatay niya na lumipat sa Camarines Norte. Dahil van ang sinasakyan nila pauwi, sa halip na tren, ay nagstop over sila sa motorist motel para matulog. Kinaumagahan ay byahe ulit sila at saka nagstop over sa Naga City para makadaan siya sa NICC Hospital. Kailangan niya kasing kumuha ng appointment para sa ilang medical test niya na requirements Northshire Academy. Habang nagbabayad sa cashier ay may biglang tumawag sa kanya. “Dashi! Dashi, ikaw nga!” Nalingunan niya ang nurse na nasa mid 30s na yata. Malaki ang ngiti nitong nilapitan siya. “Hello po.” “Ako ito si Nurse Josephine.Isa ako sa mga nurse mo noong comatose ka. Teka, oo nga naman hindi mo ako matatandaan kasi tulog na tulog ka no’n. Tapos tatlong araw pa lang simu
CHAPTER 2 Sa halip na reply-an ay in-off ni Dashi ang cellphone at tumulala sa labas. Nalubog ang pamilya niya sa utang kay Gaston nang ma-ospital ang tatay niya. Dahil walang pambayad at kailangan niya ng pera para sa dialysis ay pumayag siya sa inuutos nito. May ipinapahanap sa kanya
CHAPTER 1 “Susko! Mababaliw yata ako sa batang iyon!” mangiyak-ngiyak na bulalas ni Danica Shane o Dashi nang makapasok sa loob ng sariling Cabin. Isinama siya ng kanyang boss—si Vioxx Almeradez—sa kasal ng pinsan nito. Kasalukuyan silang nasa 5-day cruise ship na maglilibot
CHAPTER 6 Nataranta na rin ang mga kasama. Pinaghahanap na ang bata sa buong bahay. Walang nahagip na footage dahil nagblack out din ang CCTV nang mawalan ng kuryente. “Lumabas siya!” May footage na nakuha ang CCTV sa may gate solar-powered iyon.
CHAPTER 5 “Nabanggit sa akin ni Mommy ang tungkol sa Nanay mo. Nai-kwento sa kanya ni Manang Rudy.” Gusto niyang mapausal ng pasasalamat. Kompirmd nga na hindi talaga siya pinuntahan kagabi. “Ngayon na po ba ako magsisimula?” pag-iiba niya ng usapan. “Yes. I’ll







