CHAPTER 203 “Hindi iyan totoo,” tutol naman ng tatay niya sa huling sinabi ni Vioxx. “Hindi mo lang naharap nitong mga nakaraang taon kasi may sumalong suspek at saka, masyadong magulo ang isip mo—isip niyong dalawa. Itong si Dashi, kahit nasa London ‘yan at nagpapaka-busy, ang isip niyan na sa inyo.” “Hindi kaya,” tanggi niya naman sabay tago ng mukha sa braso ng asawa niya. “Kaya palang ayaw mong ipabanggit ang pangalan ni Vioxx. Kung talagang hindi mo naiisip, babalewalain mo na nababanggit ko ang pangalan ng asawa mo.” “Hindi naman ganon ‘yon, Tatay.” Tumawa si Vioxx saka nagsumbong. “Sinaktan niya ako noong nakaraang pasko. Dinurog ako ng sobra.” Madiin niyang kinurot si Vioxx—ang sama-sama ng loob talaga nito sa ginawa niya noon. Nang mga sumunod na araw ay namasyal sila nina Shaun sa buong probinsya. Tuwang-tuwa si Shaun nang tinuruan ito ng Daddy na sumakay sa kabayo. Kinunan niya ng picture ka
Ler mais