LOGIN
Peachee Gellatto
"Ms. Peachee Gellato?" Narinig ko nang tawag sa pangalan ko kaya napatayo ako agad mula sa hanay ng mga nakaupong mga aplikante para maging personal maid ni Mr. Stefan Castellano. Ubod man ito ng sungit at arogante kilala naman sa pagiging liberal na magpasahod. Kaya kapag ganitong bukas ang bahay niya para sa mga aplikante na gusto mamasukan ay talaga namang naguunahan ang mga babaeng taga-bayan para maging kasambahay sa mansion. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang basta kasambahay ang hinahanap kundi hustong mapagkakatiwalaan at dapat na maasahan at higit matatag ang loob hindi rin pusong mamon at kaya sabayan ang hindi nito magandang ugali. Kaya ngayong araw dadaan kami sa mahigpit na pagsusuri at sa dami rin namin dito, isa lang ang maaaring makuha... kaya mapalad na lang ang mapipili. Pinapasok na ako ng isang kasambahay sa loob ng isang katamtaman laki ng silid na tanggapan ng aplikante. May lamesa pagpasok ko at nakita ang may edad na mayordoma ng mansion, nakaupo sa may upuan ng lamesa at nakaharap sa bandang direksyon ng pintuan. "Magandang umaga ho," magalang kong bati dala ang brown envelope ko na laman lang ay biodata. Hindi ito agad bumati sa akin pabalik, mapanuri niya muna akong tiningnan mag-mula sa suot ko. Medyo nahiya pa nga ako na iniangat ang damit ko sa bandang dibdib dahil mababa lang ang kwelyo ng suot kong bestida kaya nakikita ang hiwa nito, at dahil din sa lusog at pintog nitong dibdib ko. Hindi ko rin naman magawang maitago dahil medyo may kalakihan talaga ang hinaharap ko at suot din ang luma kong sling bag na pinaresan ng lumang sandalyas. Hindi na ako nag-abala pa maging pormal o bumili ng damit para maging presentable at kasambahay lang naman ang a-apply-an at isa pa wala ako pambili kaya nga kailangan ko ng trabaho. "Magandang umaga rin naman. Maupo ka." Tinuran niya na ang bakanteng silya kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras mabilis ako lumapit sa harap ng lamesa at naupo sa bakante nitong silya. Inilahad ko ang dala ko. "Biodata ko po." Inilapag ko sa lamesa pero bigla siyang natawa nang makita. "Resume na uso ngayon, hija." Kinuha niya pa rin naman kaya napaayos ako ng upo at napahawak sa batok at mahinang tumikhim sa hiya. "Pasensya na po, hindi ho ako maalam gumawa ng resume eh, saka wala po akong budget para magpagawa kaya ayan na lang biodata na lang po," hinging paunmanhin ko na sandaling ikinatigil ng Mayordoma at sumeryoso ang mukha na muli akong pinagmasdan. Humugot siya ng malalim na pag-hinga at binuklat na ang laman ng envelope kinuha ang biodata ko sa loob at binasa. "Peachee Gellato, 19 years old, high school lang ang natapos," basa niya sa paunang nakasulat suot ng salamin sa mata. "Hindi ka pumapasok sa kolehiyo?" tanong niya nang mag-angat siya ng tingin sa akin at tumaas pa ang isang kilay. Umiling ako. "Hindi po eh... kailangan pa po ba ng college degree katulong lang naman po?" sagot ko na medyo nabahala kaya napatawa ito. "Hindi naman sa required, naitanong ko lang," rason niya na ikinatango ko at nakahinga naman ako ng maluwag. "Hindi po ako pumasok ng college ngayong taon dahil hindi po kaya ng mga magulang ko ang pang-matrikula at isa pa... hindi po ako matalino, baka hindi rin po ako makapagtapos..." Nabigla siya sa sinabi ko. "Hanggang katulong lang pangarap mo?" tanong niya at pinaningkitan ako ng mata. "Hindi naman po sa ganoon... kaso mukang itong trabaho lang na ito ang kaya lang ho ng utak ko, at napunta po kasi ata lahat ng laman sa dibdib ko," biro ko kaya natagpuan ko siyang nakaawang ang bibig na para bang naging kaawa-awa ako bigla sa paningin niya imbis na matawa. "Ang baba ng tingin mo sa sarili mo," pagalit niya at hindi nagustuhan ang sinabi ko pero nagkibit balikat lang ako at natawa ng kimi. "Iyon po kasi sabi ng Nanay at Tatay ko... wag na raw ho ako mag-aral kasi wala rin naman ako matututunan kaya heto, mangatulong na lang daw ako." Hindi siya nakapinawala. "Sinabi nila iyan?" Tumango ako. "Opo..." "At pinanindigan mo talaga? Ayaw mo ba patunayan na mali sila?" alinsunod niyang tanong na hindi ko agad nasagot. "Peachee, tama?" Binasa niya ulit ang pangalan ko sa biodata at ibinalik din ang tingin niya sa akin. "Tandaan mo, walang ibang taong makakapagsabi ng kapasidad ng isang tao kahit pa magulang iyan at buong buhay mo pa silang nakasama, may sarili ka dapat isip at paninindigan," payo niya na ikinangiti ko. "Salamat po sa salitang masarap sa tainga pero hindi po talaga ako matalino kung may bagay na magaling po ako siguro ay ang mang-akit ng lalaki," biro ko na siyang ikinalaki ng mga mata niya. Napahalakhak ako. "Biro lang po!" Sabay bawi at humagikgik. "Sinabi rin po kasi ng Nanay ko magtrabaho na lang daw ako sa isang beer house o club para naman daw makatulong ako tutal siguro magiging mabenta ako sa mga lalaki..." Natawa pa nga ako at inaasahan ko rin na matatawa siya pero awa lang sa mukha niya ang nakita ko kaya napalis ng ngiti ko. "Ganyan sila sa iyo?" Nauyam niyang tanong. "Gusto nila kung hindi ka mangangatulong, mag-trabaho na lang sa isang beer house?" dagdag pa niya batid ang pagkadismaya. Tumango naman ako. Wala akong dahilan para magsinungaling background interview naman ito. "Opo... pero ayaw ko maging GRO, Ma'am," tapat kong sagot na ikinabigla pa niya. "Gusto ko naman ho ng disenteng trabaho na kahit mababa lang ang titulo at least masasabi ko... marangal." Tumagal ang tingin niya sa akin. "Utak ko man po'y madalas kapos... pero iyung dangal ko gusto kong manatili sa akin dahil ito na lang ho ang bagay na meron ako na maipagmamalaki ko..." Doon ay unti-unti siya ngumiti. Bigla na siyang tumayo kaya kinabahan ako dahil akmang aalis na sya nang walang desisyon kung tanggap ba ako o hindi pero ang sunod niyang sinabi ang nagbigay galak at labis na tuwa sa akin. "Tanggap ka na, pwede ka na mag-umpisa bukas na bukas rin galingan mo sa trabaho." Ibinalik niya sa brown envelope ang biodata ko. "Bukas, 6:00 ng umaga dapat nandito ka na, ibi-briefing kita sa magiging trabaho mo at itong biodata mo." Itinaas niya para ipakita sa akin. "Kailangan ko itong ipakita muna kay Mr. Castellano, at bukas may final interview ka sa kanya kaya mag-handa ka." Umalis na siya sa lamesa bitbit ang envelope ko at nag-tungo na sa pintuan at lumabas na... At ako? Naiwang natulala rito at hindi pa makapaniwalang ako ang natanggap sa mga dalawampu na mga aplikanteng sumubok pero ako... ako ang... napili?Third Person's POV May mga kasalanang hindi sadya, at meron sinasadya pero parati kang may pagpipilian. Ang gawin ang tama, o ang magpakalunod sa pagnanais na kahit alam mong mali na. Ano nga bang kaibihan ng mahal mo, pero nakikita mo lang dahil merong pakinabang sa iyo? Malaki. Sobrang laki. Gaano rin ba kahalaga ang pag-pili? Siyempre sobrang halagang aspeto nito. Maraming nagaakala na kapag tumibok ang puson, puson ha hindi puso, sinabayan pa ng tindigang balahibo nang titigan o hawakan ka ng taong kuhang-kuha ang iyong tipo, pagmamahal na ito agad. Pero madalas, dito tayo nagkakamali. Dito karaniwan nagmumula ang mga maling desisyon at maling pag-pili dulot ng biglaang bugso ng damdahin. Pwede rin dahil sa hindi inaasahan sitwasyon dala ng pangangailangan kaya mo nagawa ang mali, pero madalas palagi tayong may options sadyang nagigipit lang tayo ng mahirap na sitwasyon. Wala ka nga namang magagawa kung panahon na ang nagbuklod sa inyong dalawa pero, parating ka may choic
Amity "You really let him watch, huh? What was that, revenge?" Raul asked paglabas namin ng banyo matapos sabay maligo at nag-bihis na rin. "I didn't, hindi ko na kasalanang sumilip siya," tipid kong sagot habang nagsusuklay gamit ang hairbrush. Pagak lang siyang natawa. "You're a bad girl." "Natuto lang." Ibinaba ko na ang hairbrush at binalingan siya. "Kasama na niya si Plum tara na sa baba at baka maisipan pa niya itakas ang anak ko," pabiro kong yakag na kahit imposible sa higpit ng seguradad ng kabuang bahay. "You know he can't do that." He chuckled at hinawakan na ang kamay ko at ginawaran muna ako ng halik sa noo. Ngumiti lang ako at sabay na kaming lumabas ng kwarto at nag-tungo sa hagdanan pababa sa salas. "Sina Mommy?" tanong ko nang papasok na kami ng salas. "Nandiyan kaya kausap na si Stefan?" "Hindi ko lang alam, baka hindi. Ayaw nilang makaharap ang isang Castellano, kaya maid lang ang siguradong sumalubong sa kanya." "I see, sana pinakain na ng Nanny si Plum, an
Third Person's POVHindi kinaya ng dibdib ni Stefan matapos sadyain ni Amity na mas ipakita pa, nang hindi pa ito sila nakuntento kahit pareho nang nilabasan dahil pakitaan pa siya.Hindi niya inaasahan ang ginawa nang pahigain ni Amity si Raul, at pinaulo sa nasa gilid ng kama at nanlaki ang mata niya nang sakyan ni Amity ang mukha nito at nanabik na na ipinalasap kay Raul ang sariling pagkab*babae...She's facing his direction, walang kamalay-malay si Raul sa presensya ni Stefan habang binibigyan ni Amity ng magandang show ang ama ng anak.Kitang-kita niya ang ganda ng hubog ng katawan nito kahit nanganak na kay Plum, ngayon naman nagdadalang tao sa anak ni Raul, wari niyang wala pang tatlong buwan iyong buntis dahil hindi pa halata.Tumingala si Amity at kagat labing ipinalalasap ang sarili kay Raul, hawak pareho ang magkabilang nakabukang hita nito at ang mukha sinsimot ang bawat katas na lumalabas.Napasinghal siya at natawa habang naroon pa rin ang luha. Ano bang ginagawa mo rit
Third Person's POV "Sir, dito po ang daan papunta sa kwarto ni Plum," turan ng kasambahay ng mga Vandiver kay Stefan. Kinabukasan din agad niya pinuntahan ang bahay kung saan naglalagi ang mag-inang Amity at Plum... Na hindi niya matawag na mag-ina niya kaya kay bigat sa dibdib na pumasok siya sa bahay ng mga Vandiver na kumupkop sa mga ito, at tanging mga kasambahay lamang ang sumalubong sa kanya. Nagtataka siya dahil maluwag ata ang pagtanggap sa kanya? Ang may edad na mag-asawa na mga magulang ni Raul hindi siya kinompronta ni hindi sya hinarap... Maybe because he's not that worth it to welcome? What is he thinking, he's not even welcome. May karapatan siya makita si Plum at siya ang tunay nitong ama kaya siya nakakaapak ngayon sa teritoryo nila. Marahil dahil alam na ng mga ito at inaasahan nang darating ang araw na ito, malalaman at malalaman niyang nagbunga ang minsang pagmamahalan nila ni Peachee. He still can't call her Amity. Because for him, she's still Peachee. Kahi
Amity "You okay?" Raul holds my shoulder when he gets back to our table from talking with his business friends here in the charity ball. Ngumiti ako at tumango nang tingalain ko siya mula sa kinauupuan ko. "Yeah, I'm okay." Pero hindi talaga ako ayos dahil parang gusto ko nang umuwi kaso kararating lang namin kasama ng buong pamilya, and Plum is also with us, at nasa mga Lolo't Lola niya tampulan ng atensyon ng mga ka-amiga nila. Naupo siya sa katabi kong upuan. "Mukang masama ang pakiramdam mo. Gusto mo ba umuwi na tayo?" Natawa ako. "Kadarating lang natin, Raul." "Kung hindi naman maganda ang pakiramdam mo let's go home. This is just a party," he insisted but I insisted too, no need. Hinawakan ko ang kamay niya. "Okay nga lang..." malambing kong bulong. "This is Plum's first appearance to the public." "Look at her." Inginuso ko ang anak namin. Natawa siya. "She loves being surrounded." Napahalakhak ako. "Kabaliktaran ko—" "No, ganyan ka rin dati, mas papansin pa." Sinama
Third Person's POV "Talagang aalis ka?!" Habol ni Zaya si Stefan na pababa ng hagdanan and tonight is his flight to Poland. Hindi siya sumagot, diretso lang ang lakad niya patungong pintuan nang hablutin ni Zaya ang braso niya kaya siya natigilan. Iniharap siya nito at nanlalaki ang mga mata. "Stefan, wake up! She's no longer yours! Freed her!" she desperately yelled at him with her angry face and teary eyes. Mariin pumikit si Stefan at tiningnan ito. "I have to see my daughter... don't stop me." Napaawang sa gulat si Zaya sa narinig. "W-What? Daughter?" Parang bigla itong nawalan ng boses hindi mapaniwala. "Yes..." mahinahon niyang sagot. "She was pregnant with my child and she was about to tell me but he caught me... us." He holds a fist. Galit siya hindi kay Peachee kundi sa sarili... nang malaman niya sa investigator na ilang buwan simula noong isama ni Raul ito she delivered a healthy baby girl. And that baby is his. Para siyang tinakasan ng lakas, at pinagsaklub
Peachee"Sir, nandito na ho siya," imporma ni Manang Agda sa lalaking nakatalikod mula sa amin at nakaharap sa labas ng malaking bintana habang nakapamulsa.Likod lang niya ang nakaharap sa banda namin at kapansin-pansin ang maganda niyang pangangatawan... hindi sobrang kalakihan pero matipuno, na
PeacheeHanggang makauwi ng bahay hindi pa rin ako makapaniwalang natanggap ako... sa dami naming aplikante, ako talaga?Kaya paglabas ko ng silid kung saan ako na-interview ang sasama ng tingin sa akin ng mga nakasama kong mag-apply.Hindi ko naman kasalanan nakitaan ako ng rason na maging persona
Peachee Minuwestra ako ni Tita Windy sa kanila na parang inilalako at puno ng pagmamalaki. "Handsomes, this is Peachee Gellato, 19 year old, v*rgin bagong-bago rito sa club kanina lang dumating, presyong maganda tayo, limited edition lang ang batang ito." Na para bang ginawa akong manikang kagag
Peachee "Mag-a-apply ho ako sa iba, Nay... wag niyo lang ho akong ipasok sa beer house o kahit saang club, pero sige payag ho ako kung pwede sana waitress na lang—" "Ay hindi!" Pinanlakihan niya pa ako ng mata kaya napaatras ako. "Mas malaki ang kita sa pag-GRO, mas doble, o mas triple pa kapag na







