LOGINPeachee
Hanggang makauwi ng bahay hindi pa rin ako makapaniwalang natanggap ako... sa dami naming aplikante, ako talaga? Kaya paglabas ko ng silid kung saan ako na-interview ang sasama ng tingin sa akin ng mga nakasama kong mag-apply. Hindi ko naman kasalanan nakitaan ako ng rason na maging personal na kasamabahay ni Mr. Castellano, hindi rin ako sobra umasa na ako ang matatanggap sa dami namin kaya nga ganito na lang ang gulat ko. Pag-uwi ko ng bahay, sinabi ko agad kay Nanay ang magandang balita, natuwa rin siya dahil alam niya kung gaano kagalante sa mga trabahador si Mr. Castellano, ngunit talaga naman hindi mawawala ang pangit na mga kataga ni Nanay. "Kapag nandoon ka na, kunin mo ang loob niya, akitin mo nang may silbi naman iyang ganda mo, tutal hindi ka na mag-GRO, mas mabuti pa subukan mo ang kapalaran mo mapalapit sa mayamang binatang iyan." Hindi ako tumugon habang nasa kusina kami kasalukuyan akong umiinom ng tubig mula sa baso at nakatingin lang sa labas ng bintana nang magpaalam na akong magpapahinga na. "Nay, medyo napagod ho ako at naglakad lang ako mula rito hanggang sa mansion ganoon din pabalik, at maaga rin ho ako bukas," pasintabi ko na pero ang totoo ay ayoko nang magpatuloy pa ang usapang ganito. Pero bago pa man ako makalabas ng kusina ay muli siyang nagsalita habang nakaharap siya sa kalan naming de uling at nagluluto ng gulay hawak ang sanse at ako naman nakaharap sa pintuan at palabas na sana. "Peachee... gawin mo na lang ang sinasabi ko kung gusto mo umunlad sa buhay natin ay matuto kang dumiskarte at gumawa ng paraan para sa ikagiginhawa ng buhay natin." Natin? Namin? Hindi ba responsibilidad nila bilang magulang na bigyan ng maginhawang buhay ang anak nila bago pa man ako isilang sa mundo? Paulit-ulit ko naririnig sa kanila na ako ang kailangan mag-ahon sa pamilya namin na ang bigat pakinggan dahil kailan man hindi naman sila gumawa ng paraan o nagpakita ng suporta sa akin, ni sa pag-aaral ko nga wala silang kapaki-pakialam. Tapos sa maling paraan pa nila gustong iahon ko ang pamilya. Inaasam-asam nila makapangasawa ako ng mayaman, ngunit ang tanong, ang katulad ko ba ay tipuhin ng mga lalaking mataas ang antas sa buhay? Ang alam ko lang... ang mayaman ay para sa mayaman, ang mahirap naman para lang sa mahirap. Kaya mahirap ang gusto nila mangyari. Ipinaghawak ko ang dalawang kamay ko sa harap at wala sa loob ko nalamukos. Gusto ng pag-unlad pero ayaw ako pag-aralin at iginigiit na kapos ang utak ko at wala ako kakayanang makapagtapos... At ang gusto mag-trabaho ako ng marumi. Isinantabi ko na lang ang sama ng loob ko dahil wala nang bago pa rito. Pinilit ko na lang matulog nang hindi na ako kumain ng hapunan, mahaba pa ang araw bukas kailangan ko magising ng maaga at may personal na interview pa ako kay Mr. Castellano... Ito ang unang beses na makikita ko siya ng personal at malapitan kaya abot-abot ang kaba ko... Ang sabi-sabi istrikto daw ito at arogante, bigla tuloy ako nabahala kung ano ang susuotin ko bukas... baka kutyain ako. Pero anong susuotin ko? Wala naman akong mga bagong damit mga luma na, karamihan may kagat-kagat pa ng daga at langgam. Ang suot ko kanina ang magsasabi kong pinaka-maayos ko pang damit kahit na papaano. Bahala na nga bukas. Kinabukasan maaga akong nagising, alas kwatro bumangon na ako, tulog pa sila at inalmusal ko na lang ang tinirang ulam at kanin nila sa akin kagabi at naligo na, nag-bihis at nag-ayos na. Saktong ala singko nagising si Nanay at si Tatay tulog pa nasa pintuan na ako nang tawagin ako nito na pupungas-pungas pa. "Ang aga mo naman ata, aalis ka na?" bungad niya kaya nilingon ko siya at tumango. "Ala-sais ho ay dapat nandoon na ako, maglalakad lang naman ako papunta roon mas mabuti nang maaga kaysa ho mahuli." Sabay talikod at lalabas na sana pero may pahabol siya. "Teka, kumain ka na ba?" "Oho, iyung tira kagabi." Nagmadali na rin akong lumabas ng bahay at tiningnan ang suot kong leather na relong kupas na rin, 45 minutes na lakarin papunta sa mansion, kaya binilisan ko ang lakad ko para maagang makarating. May isinigaw pa si Nanay pero hindi ko na narinig, dire-diretso lang ako sa paglalakad hawak ang lumang sling bag ko dala ang iilang personal na gamit. Pagdating ko sa mansion, saktong 5:50 nasa tapat na ako ng gate nila, hingal pa akong napahawak sa bakal ng tarangkahan at lakad takbo ang ginawa ko. "Magandang umaga ho," bati kong may ngiti sa dalawang house guard na nasa loob ng bakuran. Napalunok pa ako nang lumabas ang isa mula sa guard house post nila, at napansin ko ang nakasuksok nilang baril sa baywang pero isinantabi ko ang kaba at naging magiliw pa rin. "Anong kailangan nila? Sinong sadya?" may katigasan nitong tanong, mula ulo hanggang paa tiningnan ako tila sinusuri pa ako kung kahina-hinalang tao ako. Humawak ako sa dibdib ko para magpakilala buhat ng malumanay na boses . "A-Ako iyung bagong hired personal maid ni Mr. Castellano po, iyung isa sa mga aplikante ho kahapon?" Nagkatinginan ang dalawang bantay, sumenyas ang isa sa kasama kaya ang nasa loob, agad may pinindot na kung ano sa loob ng guard house at matic na bigla nag-bukas ang gate at napaatras pa ako pinagmasdan ang pagbukas nito. "Pasok na," pagpapatuloy na nila sa akin kaya dumiretso na ako papasok pero sandaling hinarap ko sila. "Saan ko po makikita si Manang dito? Iyung nag-interview po sa akin kahapon?" tanong ko na medyo lito kung saan ako pupunta. Siniko ng isa ang kasama. "Samahan mo nga," may kasungitan pa nitong utos kaya napalunok ako. At sinamahan nga ako ng medyo mukang mabait namang bantay na nagbukas ng gate kumpara doon sa isang nag-utos. Dinala ako nito dito sa likod ng bakuran kung nasaan ang backdoor ng kusina ata ito nang kausapin ako ng lalaki pero nagtataka ako nang matawa ito sa akin. Hindi ko namalayan nakatingin pala siya sa dibdib ko kaya ganoon na lang namula ang mukha ko at natakpan ng kamay ang unahan ng dibdib ko. "Naku... sigurado ka ba sa trabahong pinasok mo?" tanong niya na sandali kong ikinatigil kaya tumigil din siya at hinarap ako. "Oho, kasambahay naman ho ang—" Humalukipkip siya at napa-iling na tiningnan ang itsura ako... "Bihira ang tumatagal diyan kay boss, at madalas ang nagiging personal maid niya, nagiging parausan niya lang." Nanlaki ang mata ko sa pagkawindang. Nagiging parausan lang?? "Kung mapapansin mo, sa lahat ng aplikante ikaw ang napili ni Manang Agda, papaano'y sa lahat ng nag-apply kahapon ikaw lang ang maganda." Sabay tawa pa niya. Siyang awang naman ng bibig ko rin. "Isa sa mga gusto ni Boss sa personal maid niya, unang-una dapat may ganitong mukha ka." Bigla niya hinawakan ang baba ko sabay iniangat ang mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras pero nagpatuloy pa siya. "At ayaw niya sa pangit." Humalakhak pa saka lang ako binitawan. Saktong narinig namin si Manang Agda. "Augustus, ano iyan?" Kaya lumayo siya sa akin agad na may ngising nakakaloko at sinasabi ng tinging 'tingnan natin kung tatagal ka.' Lumapit sa amin ang Mayordoma at hinampas ang bantay na napaiwas. "Tigil-tigilan mo ang panlalandi sa bagong salta rito sa bahay ni Sir Stefan! Kung ayaw mong tuluyan ka na talagang matanggal!" bulyaw niya kaya napakamot ito sa ulo ngunit tatawa-tawa pa rin. "Binigyan ko lang ng ideya sa trabahong papasukin niya." Sabay umalis na nga rin sa harapan namin at sinundan ko na lang ito ng tingin papalayo... "Peachee," kuha ni Manang Agda sa atensyon ko kaya napapitlag ako sa gulat na ibinalik ang tingin ko sa kanya. "Ho! Magandang umaga, Manang!" Ibinalik ko ang giliw sa mukha ko kahit sa loob-loob ko nabagabag ako sa sinabi ng bantay na iyon pero isinantabi ko na lang. "Halika na sa loob mabuti sakto ang dating mo kumakain lang si Sir. Stefan at mamaya lang ang interview mo." At hinawakan na nga niya ako sa braso at iginaya ako sa loob na may kaba sa dibdib matapos kong tumango, nagpatangay na lang ako. Pagpasok namin ay malawak na kusina ang bumungad sa akin... Malinis, organisado at malawak din ang kilusan kaya namangha ako at bago pa ang mga kasangkapan... mga makabagong appliances. "Ito ang kusina nakikita mo naman bago ang mga gamit, kapag ayos ka kay Sir. Stefan ay saka ko na ituturo sa iyo paano gumamit nitong lahat." Ibig niyang sabihin... sa kanya ay aprubado ako pero na kay Mr. Castellano pa rin kung tanggap ba talaga ako o hindi? Bigla akong nanlambot. Paano kung hindi niya ako magustuhan? Anong gagawin ko nito? Sa beerhouse ang bagsak ko kung sakali... "Oh, wag kang mawalan ng pag-asa," saway niya nang makita ang naging ekspresyon ng mukha ko. "Sinabi ko sa kanya ang background mo, lalo na kung paano sa iyo ang pamilya mo kaya sigurado ako ikokonsidera niya iyon." Sabay ngumiti siya sa akin kaya kahit papaano naibsan ang pagkabahala ko. "Sa ngayon ito muna ang maipapayo ko, kahit anong iutos niya sa iyo dapat gawin mo..." may diin niyang sinabi na ikinatango ko. "Opo!" Tumuwid ako ng tayo at ngumiti. Pero sandali rin akong natigilan. Lahat... ba kamo? Naalala ko pa ang sinabi ni Augustus kanina, iyung bantay. Ang mga nagiging personal na kasambahay raw nito nagiging parausan lang, paano kung paghubarin ako? Kailangan ko ba iyun gawin? "M-May tanong ho ako... ang sabi nung nakausap kong bantay kanina ang mga nagiging personal na kasambahay ni Mr. Castellano nagiging parau—" "Tama." Namilog ang mga mata ko sa kumpirmasyon na narinig hindi pa man ako tapos magsalita ay may sagot na agad. "Totoo iyan," binigyang diin pa niya. "Pero hindi siya namimilit, kung ayaw mo wala namang problema sa kanya." Pero nanatili akong gulantang. "Madalas pumapayag ang mga babaeng nauna sa iyo hindi dahil napipilitan sila, kundi dahil gusto rin naman nila..." Suminghal pa siya. "Kaya ikaw, nasa sa iyo kung gagawin mo ang ginawa nila, kaso sa ugali ni Sir Stefan mabilis siya mag-sawa kapag umay na siya sa paggamit sa babae, sinisisante na niya." Nalaglag ang panga ko. "Kaya kung ako sa iyo." Hinarap niya ako at masinsinan pang kinausap. "Kung gusto mo tumagal, wag kang bibigay, dahil kapag ka nagpaubaya ka, nagpadala ka sa tukso, mahaba na ang isang linggo mong pag-sisilbi tanggal ka na." Napalunok ako kasabay ng pamimilog ng mga mata ko. May pagpipilian naman pala kaya kahit papaano nakahinga naman ako ng maluwag. "Kung gusto mo magtagal, piliin mo ingatan ang dangal mo kung meron ka pa niyan lalo kung birhen ka pa eh mas lalo ka mag-ingat." Sabay tawa niyang nanunudyo pero ang mukha pasinghal. "Pero iyun nga lang kung kaya mo tagalan ang temptasyon lalo kapag kayo na lang dalawa..." Nginisihan pa niya ako ng makahulugan. Muling nanlaki ang mata ko sabay napalunok. Temptasyon kapag kami na lang... dalawa? "Bumababa na ang tingin ni Sir sa mga babaeng mabilis niya lang nakukuha kaya mabilis din siya kung magsawa ilang araw ka lang niyang pakikinabangan kapag sawa na, tapos na agad ang kontrata mo sa kanya." Grabe pala... ibig sabihin mahilig siya. Marami pang bilin sa akin si Manang Agda na sinikap ko naman tandaan hanggang sa iginaya niya na ako papuntang living room at nandoon na raw si Sir. Stefan kaya habang papalapit palakas din nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Wag sana niya gawin sa akin ang mga ginawa niya sa mga nauna. Ang kailangan ko pangmatagalang trabaho, hindi mayamang kalaguyo.Third Person's POVAmari Lavegas...Frederick Lavegas...Nanginginig at nagbabara ang lalamunan ni Peachee nang hawakan niya ang nakaukit na mga pangalan ng dalawang taong nakahimlay rito.Kahit si Stefan napatingala na lang habang magkadaop ang parehong kamay sa harap, binibigyan ng momento ang dalaga upang kilalanin ang tunay na mga magulang."Si... Mommy sampung taon na simula noong mawala... at si Daddy..." Doon na nga tuluyan nabasag ang boses niya."Halos nito lang, kaka-apat na taon lang. Hindi man lang nila ako nahintay bumalik?" saad niya na may mapait at masakit na tanong.Namula rin ang mga mata ni Stefan nang namuo ang luha para sa naulilang dalaga pero siya sumabay sa pagiging emosyonal nito at sa halip dinaluhan niya at marahan hinagod ang likod nito para damayan."Naniniwala silang babalik ka... na buhay ka pa dahil wala naman nakitang katawan mo pero habang lumulipas ang bawat taon ay doon na sila unti-unti nawalan ng pag-asa makita ka pa," malungkot niyang sinabi na l
PeacheeTiningala ko siya habang hawak niya ang kamay ko at tahimik kaming naglalakad patungo sa totoo kong mga magulang.Ang mga sinabi niya sa akin kahapon, lahat ng mga ipinaliwanag niya may nagsasabi sa isip at puso ko na sa lahat ng tao, siya ang hight na dapat kong paniwalaan.Tumigil muna kami sandali bago tumuloy sa naturang destinasyon. Hinarap ko siya buhat ng nangungusap kong mga mata, nanatiling magkahawak kamay mga kamay namin.Hinawakan niya ang pisngi ko, humilig ako rito at pumikit dinadama ang init ng palad niya."Thank you, you believed in me." Inilapit niya ang mukha niya sa akin at ginawaran ako ng masuyong halik sa noo.Pumikit ako at tumango. "Mas maniniwala ako sa iyo kaysa sa mga taong wala naman hangad sa akin kundi ang mapasama ako o ikaw," sagot ko at tipid na ngumiti sa kanya at yumakap sa baywang niya.Muli kong tiningnan ang mukha niya na puno ng pagsusumamo sa akin higit ng pagpapasalamat na pinili ko siyang tanggapin ulit sa buhay ko."Minsan mo akong
Third Person's POV"Kahapon pa po hindi napasok si Ma'am Peachee, Sir eh. Hindi nga po namin alam anong nangyari, wala po siya sinasabi sa amin," sagot ng staff ng bakeshop nang puntahan ni Stefan kinabukasan.Walang nasagot kahapon pa sa bahay ng dalaga, naka-off din ang phone nito, hindi pumasok kahapon at inabangan niya ito lumabas ng bahay magdamag wala pa siyang tulog pero walang Peachee na lumalabas o nagpapakita.Lumabas si Stefan ng bakeshop sabunot ang buhok. "Where are you, Peachee? Saan ka ba nagpunta?" bulong niya at sumakay na sa sasakyan mabilis na pinasibat.Panay ang igting ng panga niya habang nasa daan ang tingin, mahigpit na hawak niya sa manibela kaya halos mamuti na ang kamao.Nag-dial siya sa phone niyang naka-stand sa unahan ng sasakyan nagsuot ng earpiece at tinawagan ang isa sa mga tao niya."Bring me the spare keys of Peachee's house, I need it, asap." Binaba niya rin ang tawag at inalis ang earpiece sa tainga at binato lang kung saan.Ayaw niyang mag-trespas
Third Person's POV"WHAT DID YOU SAY TO HER?!" Stefan asked Don Octavio furiously holding the old man's collar in a vice gripped.All he can see is red, hindi na niya control ang galit matapos malamang nanggaling dito si Peachee at ngayon hindi niya alam kung saan ito magpunta!Buo lang ang mukha ni Don Octavio na pinapanuod ang nanlilisik na mata ng anak niya, ni hindi niya ito pinigilan sa ginagawa."Sinabi ko lang ang totoo... hindi ba ikaw naman talaga ang puno't dulo ng lahat?" Sabay tumaas ang sulok ng labi."We both know you pushed her—""WALA KANG ALAM AT HINDI KO IYON MAGAGAWA SA KANYA! SA ISIP MO LANG ANG MGA BAGAY NA IYAN! AND I'VE NEVER DID PUSH THAT KID!" Nagmistulan kulog ang naging boses ni Stefan na dumagundong sa bawat sulok ng study room ng matanda.Hindi nagsalita si Don Octavio at ang mga mata ng binata nag-umpisa na manginit at mamuo ang luha."What did you do... huh old man?" Nabasag ang boses niya. "Wala ka roon para sabihin mong ginawa ko sa bata ang ganoong ka
Peachee Nanginginig ang kamay ko at ganoon din ang mga binti kong napahawak sa pader ng labas ng bakuran ng mansyon habang pinakakatitigan ko pa rin ang papel. Sa bawat kurap ng mga mata ko, siyang bagsak ng butil ng luha sa magkabilang pisngi ko. "Papaanong..." Hindi ako makabigkas ng kaduksong buhat ng nanginginig at nagbabara kong lalamunan. Hindi ko alam saan parte ba ako magugulat, na hindi ko totoong mga magulang ang mga nakasama ko o... si Stefan na may kinalaman dito? Nasapo ko ang ulo ko sa hindi ko maintindihan mararamdaman ko. Parang sasabog ang dibdib ko pati ulo ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palabas ng subversion pero tulala ako at hindi natingin sa nilalakaran. Pumara ako ng Taxi nang nasa tabi na ako ng daan, pagsakay ko saka ko lang ibinalik ang DNA Test sa envelope at kinuha ang litrato ng isang buong pamilya. Pinagmasdan ko ang babaeng katabi ko rito, lalong nanikip ang dibdib ko nang mapansin malaki nga ang hawig ko sa kanya kaya muli na naman
PeacheeTahimik akong nakaupo sa katapat ng couch na kinauupuan ni Don Octavio matapos niya akong ipatawag para personal na makausap.Dito ako dinala ng kasamabahay nila sa pribado nitong study room na puro antigo ang mga gamit.Magkikita sana kami ni Stefan kanina pero nagdahilan ako na may importante akong gagawin at dito sa mansion nila ako dumiretso."Pasensya na sa abala, hija. Wag kang mag-aalala, tinaon ko na wala si Matilde sa bahay nang hindi ka mailang," saad niya na na tipid ko lang na ikinangiti.Hindi nga maganda ang una namin naging pagkikita ng pangalawang asawa niya kaya mabuti ngang wala ito."Ayos lang po, pero bakit niyo nga ba ako gustong makausap?" tanong ko kahit may kutob na akong tungkol ito sa amin ng anak niya.Hindi pa man opisyal na isinisiwalat ni Stefan ang balitang nagkabalikan na kami, sigurado nauna nang makarating dito dahil kinansela niya na ang kasal nila ni Rivaly...At walang ibang dahilan kundi ako."Alam ko na nagkakamabutihan na kayo ulit ng an
Peachee "Ano?!" bulalas ni Nanay na napatayo mula sa kahoy naming sofa nang umuwi ako ng bahay at sinabing hindi ko tinanggap ang trabaho kahit pa hired na ako. Sa kadahilanang hindi ko matatagalan ang ganoong klaseng boss, bukod sa arogante na, ay b*stos pa. Ang inaasahan kong trabhaho ay gawain
Peachee"Sir, nandito na ho siya," imporma ni Manang Agda sa lalaking nakatalikod mula sa amin at nakaharap sa labas ng malaking bintana habang nakapamulsa.Likod lang niya ang nakaharap sa banda namin at kapansin-pansin ang maganda niyang pangangatawan... hindi sobrang kalakihan pero matipuno, na
Peachee Gellatto"Ms. Peachee Gellato?"Narinig ko nang tawag sa pangalan ko kaya napatayo ako agad mula sa hanay ng mga nakaupong mga aplikante para maging personal maid ni Mr. Stefan Castellano. Ubod man ito ng sungit at arogante kilala naman sa pagiging liberal na magpasahod.Kaya kapag ganiton
Peachee Minuwestra ako ni Tita Windy sa kanila na parang inilalako at puno ng pagmamalaki. "Handsomes, this is Peachee Gellato, 19 year old, v*rgin bagong-bago rito sa club kanina lang dumating, presyong maganda tayo, limited edition lang ang batang ito." Na para bang ginawa akong manikang kagag







