Nanlaki ang kaniyang mga mata. Namumula ang pisngi ni Josiah, pati ang tainga nito. Hindi siya makapaniwala. Nakita niya lang naman ang isang Josiah La Guardia na namumula dahil tinawag niya lang naman itong gwapo. "Namumula ka," manghang puna niya. Mangha pa rin ang mukha niyang sumunod ang tingin sa lalaki noong tumayo ito. Hindi mapakali. Tumikhim. "Saan ka pupunta?" agad niyang tanong."Tatawagin ko ang doktor," "Huh?" "Hindi na namin kailangan ng doktor, hijo. Pumunta naman sila kanina rito para i-check ang kalagayan ng asawa ko. May nurse din na laging bumabalik para tingnan ang lagay niya," saad ng kaniyang Lola Olive. Mukhang narinig nito ang sinabi ng lalaki. Umismid naman ang kaniyang Lolo.Hinawakan niya ang kamay ni Josiah ay hinila ito pabalik sa pagkakaupo. "Ayos lang naman sa akin. Normal lang ang reaksyon mo dahil girlfriend mo ako. Pero kapag dahil sa ibang babae ka pinamulahan ng pisngi,
Last Updated : 2026-11-14 Read more