Nanlaki ang inaantok niyang mga mata nang makita si Josiah na nakahiga na sa tabi niya. Nakatukod ang siko nito at nakapatong ang ulo sa palad habang pinapanood siya."Bakit nandito ka na? Akala ko ba isang linggo ka pa bago umuwi?"Gulat siyang napabangon. Tila nawala ang antok niya habang kaharap ang lalaki. Kanina lang ay binabaan siya nito ng tawag, pero ngayon ay nasa harapan na niya ito."Umuwi ako para itanong mismo sa iyo." He looked miserable. His shirt sleeves were unbuttoned, just as they had been during the video call. His hair was messy and his eyes looked tired."Ang alin?""Did you really not miss me? Kahit kaunti lang, hindi mo ba ako naisip?" Mahina ang boses nito at parang nakikiusap na sabihin niyang na-miss niya ito. At kung hindi, tila iiyak na ito."Umuwi ka para itanong sa akin kung na-miss kita?"Hinawakan niya ang mukha ng lalaki at marahang sinuklay ang magulo nitong buhok."Because you didn't miss me, Axellyn. It's unfair that I'm the only one feeling this
Dernière mise à jour : 2026-09-24 Read More