"Josiah, paano kung ayaw ko nang magkaroon ng anak?"Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan nila ni Josiah. Hindi niya maalis ang titig sa lalaki. Binabasa niya ang laman ng isipan nito dahil sa naging tanong niya.Malaki ang pangarap nitong maging ama, at kayang-kaya niya dahil mayaman siya. Kung sabihin niya nga siguro na buntis siya ngayon, ay baka pumunta sila kaagad sa doktor at bumili na ito ng gamit ng bata. Pero sapat na ba ang kayamanan para maging isang mabuting magulang?"Hindi mo naman kailangang sagutin ang sinabi ko. Pero totoong hindi pa ako handang maging isang ina. Hindi ko nga alam kung paano mag-alaga ng bata.”"I will respect your decision..." Josiah answered without breaking eye contact.Sa sandaling iyon, parang pagmamay-ari nila ang mundo at ang oras. Hindi niya inalis ang tingin sa lalaki, kung dadarating ba ang panahon na magiging handa siyang maging isang ina."Malaki ang pamilyang gusto mo, hindi ba? Hindi ko iyon maibibigay sa iyo. Hindi ko rin sigu
Last Updated : 2026-10-21 Read more