"Miss Axellyn, eto na pala yung mga pinapakuha mo. Inaayos ko na po lahat, nandiyan na rin ang mga bigay ni Sir Josiah." "Thank you, Enrico. Pwedeng nandito mo na lang sa loob ilagay. Nabigat kasi ang kabinet na yan. Baka mahirapan akong buhatin." Nagtawag si Enrico ng isa pa nitong kasamahan at pinagtulungan ng mga ito na buhatin ang kabinet. Galing ang kabinet kay Leslie, nagpalit kasi ito kaya binigay sa kaniya. Kulay puti, at may ilang gasgas lamang sa gilid pero maayos pa naman at hindi pa kupas ang pintura. Kinuha naman niya dahil marami siyang kailangan na ilagay. May ilan siyang mga gamit na sa ilalim lamang ng kama niya nilagay.Pagkatapos na buhatin umalis din kaagad ang katuwang ni Enrico. Hindi man lang ito nagsalita, seryosong seryoso. Kaya ang lalaki na lamang ang naiwan. Nasa six footer si Enrico, isa siyang morenong lalaki, malaki ang pangagatawan, iyon siguro ang kadalasan na hinahanap sa trabaho nila. Ngunit medyo maamo ang mukha nito hindi katulad ng ibang guards.
Last Updated : 2026-09-14 Read more