Venice’s POVPaulit-ulit akong napalunok, para na akong tuod na kahoy sa harapan niya. Natatakot akong kumilos dahil baka kung ano ang kahawakan o matamaan ko sa kaniya, lalo na at dikit na dikit ang katawan naming dalawa.“Are you okay?” Tanong niya at yumuko para tignan ako.Gusto ko man siyang tignan ay hindi ko rin magawa, ramdam ko ang init ng hininga niyang tumatama sa mukha ko. Isa lang ang ibig sabihin noon, sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa.“A-Ayos lang ako, kung ayos lang sa’yo ay p’wede bang lumayo ka na sa akin. N-Naghihintay sa atin sila Vyron, nakakahiya naman kay manang kung h-hindi pa tayo pupunta doon,” sambit ko para mapunta doon ang atensyon niya at hindi sa namumula kong mukha.Ano ba naman, Venice! Umayos ka nga, unting lapit lang at dikit sa’yo apektadong-apektado ka na naman!“Oh, okay. Mauna ka na, ako na ang bahala sa juice,” sambit niya at kinuha ang pitsel, kumuha siya ng kitchen tissue at pinunasan ang ibang tumapon na juice sa counter at maging an
Read more