Raven’s POV“We send Rachel abroad, that is all I can do. She’s still my daughter, no matter what happened… I can’t send her to jail,” sambit ni papa habang nasa office niya kami pagkatapos ng dinner.Napabuntonghininga naman ako, wala naman akong magagawa kung ‘yon ang desisyon niya. Alam ko rin na nakausap na niya si lolo, at kung tapos na ang usapan ay hindi na ako makakatutol doon. Isa pa, nasa abroad na ang pinaguusapan namin.“May magagawa pa ba ako? Nilayo ninyo na siya sa akin, wala na akong magagawa sa desisyon ninyo. Pero sana, hindi na siya makalapit sa pamilyang binubuo ko, baka makalimutan kong kapatid ko siya,” sambit ko at tumingin ng diretso kay papa. “Alam mo ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay, kaya sana maintindihan mo ako sa bagay na ‘to, papa.Tinignan ako ng diretso ni papa sa mata, ngunit wala siyang pagtutol. Sa halip ay isang tango ang sinasagot niya sa mga sinabi ko bago muling magsalita.“Gano’n mo ba talaga siya kamahal?” Tanong niya, marahan ang to
Read more