Troy’s POVSabay-sabay kaming dumating sa parking ng building kung nasaan si Ced, sakay ng kotse ni Carlos silang dalawa habang nag drive ako ng sariling kotse.“Kanina pa raw siya naghihintay sa atin, naiinip na raw siya,” sambit agad ni Yael pagkalapit sa akin. “Ano ba kasi ang paguusapan ninyo, bakit hindi mo kami sabihan agad para hindi na kami magulat mamaya?” Pilit niya muli sa akin.Simula sa bahay hanggang dito ay hindi siya tumigil kakatanong, habang si Carlos ay tahimik lang na nakasunod sa amin. Mukhang sa kanilang dalawa, siya ang mas may ideya kung anuman ang paguusapan namin ngayon.“Hayaan mo na muna, andito na rin naman tayo kaya maririnig mo rin kung ano ang paguusapan nila. Isa pa, nakikisali lang naman tayo rito, h’wag ka ng tanong ng tanong,” pigil sa kaniya ni Carlos ng hindi pa rin talaga ako sumasagot.Mabuti na lang tumahimik na rin si Yael hanggang makapasok kami sa elevator, nasa 27th floor ang office ni Ced kaya ilang minuto rin ang katahimikan sa pagitan na
Read more