Venice’s POV“Mommy, pauwi ka na po ba?” Ang malungkot at naiinip na saad ni Vyron mula sa kabilang linya, dalawang araw kasi ang tinagal ng business meeting ko kaya isang gabi rin niya akong hindi nakasama sa bahay. Mabuti na lang din talaga ay sinamahan siya ni manang Dori at ng asawa niya.“Pauwi na ako, nakasakay na ako. H’wag mo na akong hintayin, anong oras na oh pero gising ka pa. H’wag mo ng pagurin si manang Dori, baka inaantok na rin siya,” sambit ko gamit ang marahan na tono.“Pero miss na miss na kita mommy, please bilisan mo!” Saad niya gamit ang malambing na boses bago pinatay ang tawag, hindi ko naman mapigilan na mapangiti. Kahit malaki na siya at sa gano’n na edad ay nahihiya ng maging sweet, siya ay wala pa ring pagbabago.“May anak ka na pala, hindi halata sa mukha mong maganda at sobrang bata pa,” sambit bigla ng driver na nakakuha ng atensyon ko. “Ang sexy mo pa, talaga bang nanganak ka na? Ang swerte siguro ng asawa mo ano?” May kung ano sa paraan ng pagsasalita
Baca selengkapnya