Troy’s POVI looked up as I felt her hand rummaging through my pocket, and every move of her fingers became noticeable for me to ignore.Paulit-ulit akong napalunok, iniisa-isa sa aking isip ang mga house brand ng gamot at para saan ang gamit nila. Ngunit kahit gaano kahirap bigkasin ng mga ‘yon, hindi nawawala ang epekto ng simpleng haplos ng balat niya sa akin.Alam kong mali na may maramdaman akong ganito, nakilala ko lang naman siya dahil pasyente ko si Vyron at dahil na rin sa mga pagkakataon na biglaan… hindi ko pa napapatunayan ang iniisip ko sa kaniya, kaya dapat ay pigilan ko ‘to.O kung hindi man, baka ‘to na ang oras para tanungin ko siya.“V-Ve—”“Nakuha ko na!” Masigla niyang sambit at tinaas ang susi sa harapan ko, para siyang nanalo ng malaking papremyo. Mabilis siyang tumalikod sa akin at binuksan ang pinto, saka muling humarap sa akin. “Ano yung sasabihin mo sana sa akin?” Malawak ang ngiti niya, malayo sa kanina na iwas na iwas sa akin. Simpleng paglapit ko lang, sim
Read more