Troy’s POV“Salamat sa pagpapatuloy mo sa amin kagabi, ngayon na huminto na ang ulan ay uuwi na kami para hindi na masyadong makaabala pa sa’yo ng sobra,” sambit niya habang pinupunasan ang kamay.“Mamaya na natin pagusapan ang tungkol diyan, kumain ka muna… isa pa, nakita ko sa balita na hindi pa rin accessible ang daan papunta sa inyo kaya hindi pa rin makakadaan doon. Mas mainam kung maghintay na lang muna kayo rito hanggang maging maayos na ang lahat,” sambit ko at iniwas na ang tingin ko sa kaniya.Alam kong handa na naman siyang makipagtalo, pero gusto kong sulitin ang oras na andito sila. Ayaw kong sayangin ang pagkakataon na mas makilala pa silang dalawa, gusto kong mas may malaman pa tungkol kay Venice na makakapagbigay sa akin ng kumpyansa tungkol sa iniisip ko.“Pero, hindi ba at may trabaho ka pa? Nakakahiya naman na andito pa rin kami kahit na pumasok ka na, nakituloy lang kami… kung mag stays kami rito habang wala ka—”“It’s fine, I’m the one who insist,” putol ko sa kan
Read more