Troy’s POVAkmang palabas na ako ng bahay ng habulin ako ni mama at papa, hawak ni mama ang braso ko at umiling-iling.“Anak, sa tingin ko ay mas mainam kung aayusin mo muna ang sarili mo. Hindi ka namin hahayaan na mag drive na hindi kalmado, kaya please lang kumalma ka muna. Maraming oras o araw na p’wede mo siyang makausap, kung gusto mo ay mamaya o bukas basta kalmado kang b-byahe at makikipagusap sa kaniya,” mahabang sambit ni mama at mariin na hinawakan ako sa braso.“Pero mama, kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong marinig ang tungkol dito at anong dahilan niya bakit niya tinago sa akin ang totoo, at bakit…” Napatigil ako sa pagsasalita, hindi ko masabi ang huling tanong na tumatakbo sa isip ko.Gusto kong malaman kung bakit niya ako iniwan at biglang naglaho, bakit siya umalis at tinago sa akin ang pagkakaroon namin ng anak.Maayos naman kami bago siya biglang nawala, kaya hindi ko alam kung bakit pinagdimot niya sa akin ang buong taon ng paglaki ni Vyron sa akin.“Anak
Read more