“H-Hoy! Kadiri ka! Yung sipon mo dumidikit sa binti ko!” tili ko, pilit na kumakawala. “Bitawan mo nga ako, matandang baliw!”Nilingon ko si Snyder na kasalukuyang nakatayo pa rin sa gilid, walang kaemo-emosyon.“Hoy, Mr. Kidnapper!” sigaw ko kay Snyder, tinuturo ang matandang nakakapit sa binti ko. “Baliw ba 'tong amo mo?! Mukha siyang seryosong mamamatay-tao tapos biglang ngumangawa dito sa sapatos ko?! Mas malala pa 'to sa tantrums ni Reyleigh! Kunin mo nga 'to!”Walang reaksyon si Snyder. Sa isang napakaswabeng galaw, dumukot siya ng isang malinis na white silk handkerchief mula sa loob ng kaniyang navy suit jacket.Naglakad siya papalapit at walang emosyong inabot ang panyo sa umiiyak na Supremo.“Your handkerchief, Don Dominic,” malamig at pormal na sabi ni Snyder.Kinuha ng Supremo ang panyo at suminga nang napakalakas. Prrrrrrt!Pagkatapos suminga, biglang tumigil sa pag-iyak ang matanda.Sa loob lang ng isang segundo, nagbago ang ihip ng hangin. Mula sa pagiging isang nagmamak
Ler mais