Ang Grand Office.Pagpasok namin, bumungad sa akin ang isang napakalawak na opisina na nakaharap sa dagat. Ang buong pader sa likuran ay gawa sa salamin, pinapakita ang madilim na kalangitan at ang galit na karagatan sa labas.Sa gitna, sa likod ng isang napakalaking mahogany desk, nakaupo ang Supremo. Hawak niya ang isang baso ng whiskey.“Sit, Roselei,” utos niya, itinuturo ang leather chair sa harap ng mesa niya.Kahit nanginginig ang mga binti ko, pinilit kong maglakad at umupo. Si Snyder ay pormal na tumayo sa likuran ng upuan ko, nagsisilbing pader para hindi ako makatakbo.“Hindi ko alam kung anong laro ito,” panimula ko, pinipilit patapangin ang boses ko. “Pero nagkakamali kayo ng kinuha. Ulila na ako. Ang mga umampon sa akin, pinulot lang ako sa kalsada.”Ibinaba ng Supremo ang baso niya. May kinuha siyang isang makapal na brown folder mula sa drawer niya at marahas na ibinagsak ito sa ibabaw ng mesa.“Hindi laro ito, anak. Ikaw ay si Roselei Diamante. Ang kaisa-isa kong anak
Mehr lesen