“Are you playing wrestling? Sali ako!”Napalunok ako ng laway, pakiramdam ko’y naubusan ng kulay ang buong mukha ko.Kung may Olympic event lang para sa pinakamabilis na pag-atras, siguradong gold medalist na ako ngayon.Agad kong itinulak ang matigas na dibdib ni Leonrei gamit ang buong lakas ko. Sa sobrang gulat ko, muntik pa akong mabuwal kung hindi lang mabilis na humawak ang kamay ko sa gilid ng pader.Ang puso ko? Jusko, parang sasabog na sa bilis ng tibok. Daig ko pa ang nakikipagpatintero sa mga traffic enforcer sa EDSA.“R-Reyleigh, b-baby!” nauutal kong tawag habang pilit na inaayos ang nagulo kong buhok. Agad akong lumuhod para mapantayan ang bata, iniiwasan ang nag-aapoy at madilim na titig ng kaniyang ama na nakatayo pa rin sa likuran ko. “H-Hindi kami nagre-wrestling ng Daddy mo, ah? Ano kasi... may lumipad na ipis! Oo, ipis! Tinulungan lang ako ng Daddy mong tabuyin.”Tumingala si Reyleigh kay Leonrei, ang mga inosenteng mata nito ay kumukurap-kurap. “Really, Daddy? May
Last Updated : 2026-06-03 Read more