ROSELEI.Sa loob lang ng sampung minuto, ang amoy ng dagat at mamahaling sunblock sa buong infinity pool ay tuluyang natabunan ng matapang, mabango, at nakakagutom na amoy ng ginigisang bawang at mani.Nasa poolside outdoor bar ako, hawak ang isang mamahaling kawali, masayang hinahalo ang paboritong adobo peanuts ni Reyleigh.Si Roselei Rivamonte, ang palaban na naglalako ng mani, ay nagluluto ngayon sa isang bilyonaryong resort!“Ayan, malapit na maluto ang favorite food ko made by Ate Nanny!” masayang sabi ko habang inihahagis-hagis ang mani sa kawali na parang pro.Ang mga 'resort staff' na nakabantay sa paligid ay patagong sumisinghot sa hangin. Halatang naglalaway din sila sa amoy ng niluluto ko, pero kapag napapatingin sa kanila si Leonrei, mabilis silang nag-iiwas ng tingin at umaaktong parang tuod.Si Leonrei naman ay bumalik sa pool, nakasandal sa dulo nito, nakapatong ang kaniyang maskuladong mga braso sa gilid habang ang malamig ngunit nag-aapoy niyang mga mata ay hindi man
Baca selengkapnya