Isang makulimlim na Martes ng umaga sa Tayabas, Quezon. Ang dambuhalang glass doors ng Zion Prime Estates & Holdings Inc. ay bumukas upang magpapasok ng isang grupo ng mga tao na kailanman ay hindi inasahan ng sinuman na tutuntong sa probinsya.Sila ang labindalawang miyembro ng Board of Directors ng Valmonte Empire. Ang mga bilyonaryong negosyante na sanay sa pag-uutos at pagkontrol sa ekonomiya ng bansa mula sa kanilang matataas na tore sa Makati. Ngunit ngayon, wala ang kanilang pamilyar na kayabangan. Ang kanilang mga mamahaling Italian suits ay tila hindi na lapat sa kanilang mga namumutlang mukha, at ang kanilang mga mata ay nagpapakita ng matinding puyat at desperasyon."Dito po tayo, mga sir, ma'am," pormal na bati ng executive assistant ni Zeno, iginigiya sila patungo sa top floor ng gusali.Habang naglalakad sa mahabang pasilyo, hindi napigilan ng mga board members na mamangha at makaramdam ng matinding inggit. Ang opisina ng Zion Prime ay hindi lamang marangya; ito ay nag-u
Read more