Pag-uwi niya sa bahay, sinalubong siya ni Selena nang mahigpit na yakap. Ramdam niya ang kapayapaan na matagal na niyang hinahanap. Wala nang nagbabantang sikreto, wala nang banta na nakabitin sa kanilang ulo. Sa wakas, makakahinga na siya nang maluwag.“Tapos na ba ang lahat, mahal,” bulong ni Selena habang hinahaplos ang kanyang likuran. “Makakapahinga ka na.”alam niyang may gulong nagaganap sa kompanya dahil nasabi ni Xander sa kanya ngunit pahapyaw lang na kwento . “Oo, makakapahinga na,” sagot ni Xander, bagama’t sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niyang hindi pa lubusang tapos ang lahat. Si Jaime ay malaya pa rin, at ang dahilan kung bakit tahimik si Jestony ay nananatiling isang misteryo. Ngunit sa ngayon, pipiliin muna niyang magpasalamat sa kapayapaang dumarating. Ang laban para sa katotohanan ay maaaring hindi pa tapos, pero sa sandaling ito, sapat na ang alam niyang ligtas ang kanyang pamilya at malinaw ang kanyang pangalan.Sa loob ng kulungan, habang nakatingin si Jesto
Read more