Kalmado ang lahat sa bahay nina Xander. Tahimik na ang paligid, at mahimbing na ang tulog ng lahat. Matagal na ring nakapikit si Xander, pero sa kabila ng pagod ng buong araw, hindi payapa ang kanyang pahinga. Nasa isang madilim na lugar siya sa kanyang panaginip. Walang makita kundi hamog at liwanag na malabo sa malayo. Naglakad siya palapit sa liwanag na iyon, at doon nakita niya ang isang lalaki na nakatayo at nakatalikod sa kanya. May pamilyar na anyo ang lalaki ang tindig, ang hugis ng balikat, ang paraan ng pagtayolahat ay tila kilala niya. Dahan-dahang humarap ang lalaki sa kanyang panaginip . Nang makita ni Xander ang mukha nito, halos mapasinghap siya sa kanyang pagtulog. “Damien?” tawag niya nang mahina sa kanyang panaginip. Ngumiti ito sa kanya ,,isang ngiting puno ng pag-asa at pagmamahal. Ngunit bago pa siya makalapit, biglang lumabo ang lahat. Parang tinatangay ng hangin ang anyo ni Damien palayo, palayo, hanggang sa wala na siyang makita. “Damien! Huwag kang umalis
더 보기