Sa labas ng kanilang bahay, masayang inaayos ni Selena ang mga bulaklak sa gilid ng bakuran. Masarap ang simoy ng hangin, at masaya siya na sa wakas ay may sarili silang tahimik na tahanan. Ilang araw na silang nakauwi, at dahan-dahan nang nasasanay ang lahat sa kanilang bagong pamumuhay. Ang mga bata ay naglalaro sa malawak na damuhan, at ang lahat ay tila payapa at maayos.Pero habang nagtatrabaho siya, may kung anong pumukaw sa kanyang atensyon. Sa kabila ng kalsada, medyo malayo sa kanilang gate, may isang itim na kotse na nakaparada. Hindi ito mukhang kotse ng kapitbahay. At ang kakaiba, nakatigil na ito doon nang halos dalawang oras na ang nakakaraan.Sa una, sinubukan niyang huwag pansinin. Baka may naghihintay lang na kaibigan sa kabilang bahay, sabi nito sa sarili. Pero lumipas ang ilang oras, hindi pa rin umaalis ang kotse. Walang bumababa, walang pumapasok. Nakatigil lang ito, tahimik at pakiramdam niya may tao nakatingin sa direksyon ng kanilang bahay.Unti-unting nabawasa
더 보기