Hindi naman ako guilty diba?"I'm fine." mahinang sagot naman ni Sofia kay Tita Ellena. "Inihatid lang ako ni kuya Kenneth, babalik din siya agad sa kompanya." Dagdag pa niya na halatang ayaw na akong magtagal pa."Oo, tita, hindi na ako magtatagal. May dinner meeting pa akong dadaluhan mamaya.""Sige, hijo. Magingat ka na lang palagi sa pagdra-drive mo. Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo." paalala naman ni Tita Ellena sa akin.Gusto ko pa sanang magtagal pero minabuti ko ng umalis din agad dahil hindi ko matagalan ang tinging ipinukol sa akin ni tito Ace. Hindi naman sa umiiwas ako sa mga salitang matatanggap ko mula dito. Nakaramdam lang ako ng pagkailang dahil nga sa nangyari sa amin ni Sofia.Hindi ko naman tatakbuhan ang obligasyon ko sa nangyari sa amin ni Sofia, handa akong panagutan siya kung sakaling muling ungkatin ni Tito Ace ang usapan namin noon. Matagal na nilang binigay sa akin ang basbas para kay Sofia kaya hindi ako natatakot. Kailangan ko lang huminga ng maluw
Read more