"Hindi ko kailanman naisip iyon, anak. Ang ikinatatakot ko lang ay ang kapatid mo, si Kendrick.""Aalis na kami ni Sofia, itay para hindi na lumaki pa ang mga nangyayari ngayon.. kaya wala na kayong dapat ipag alala."Ang itay naman ang nagpakawala ng isang buntong hininga bago tinapik ang balikat ko."Masama man ang ginawa namin sa pag abandona sayo noong maliit ka pero masasabi kong.. nakatakda kang makilala ng pamilyang iyon. At proud ako sayo anak. Ang ibang mga batang naampon ng mga mayayaman ay nagiging sakim sa kapangyarihan pero...""Nasa paggabay iyon ng pamilyang nag alaga sa akin, itay." sagot ko. Dahil kung hindi nila ako ginabayan ng mabuti ay siguradong isa din ako sa mga taong masasakim sa kayamanan."Kaya nga, anak. At masasabi kong mabuting pamilya ang kinalakihan mo.. dahil napalaki ka nilang ganyan.. may paninindigan."Tumango ako. Kahit na medyo naging seryuso ang usapan namin ay naging magaan naman ang naging takbo ng pag uusap namin bilang mag ama.Mabuti na lang
Read more