Napatitig ako dito ng ilang sigundo bago sumagot. Nagpakawala ng isang malalim na paghinga."Oo naman, they are always kind.""Uhm.""Nasaan ang kuya Kendrick mo?""Hmmmp. Lagi namang wala iyon. Hindi pa nga umuuwi, mag iisang linggo na. Wala pang paramdam." Nakasimangot na sagot nito.Well, Kendrick is 25 years old now. Mas matanda ako ng dalawang taon. At siya ang isa sa kunsumisyon ng mga magulang namin.Lumaki kasing bulakbol. Pinag aaral ko pero ayaw naman niya. Matanda na daw ito at hindi na daw iyon para sa kanya.Hindi ko na pinilit. Kaya si Sandra na lang ang tinutulungan ko ngayon sa pag aaral.. na balang araw ay magiging maganda din ang kinabukasan nito tulad ng tinatamasa ko ngayon."Mag aayos na muna ako ng gamit ko.""Okay. Welcome home, kuya."Ngumiti na lang ako ulit dito bago ito lumabas. Hindi naman ako magtatagal dito.. gusto ko lang naman ng kaunting space para makapag isip. At babalik sa dating buhay na nakasanayan ko na.¤¤¤"Nandito pala ang super hero ng pamily
Read more