"Nawalan na ako ng pag asa na magkaroon ng pamilya. Kaya mas ginusto ko ng manatili sa ampunan hanggang sa pwede na akong umalis doon kapag dumating na ako sa tamang edad. But then, dumating ang mga magulang ni Sofia. Akala ko simpleng pamilya lang sila dahil hindi sila tulad ng iba na kapag mayaman na ay ipinapakita nila sa pananamit, pananalita at sa kanilang kilos. Pero nagkamali ako. Sa simpleng kilos, mapagkumbabang salita, sa simpleng pananamit ay nagtatago sa kanila kung gaano sila kayaman na ang akala ko pa noon ay baka tulad din sila ng mga naunang pamilyang umampon sa akin.""Akala ko ay mararanasan ko na naman ang maliitin ng pamilya nila. Akala ko ay ituturing nila akong alila. Ipaparamdam na isa lamang akong sampid sa kanilang pamilya. Sila ang nagturo sa akin kung ano ba ang tunay na kahulugan ng salitang pamilya. Sila ang nagparamdam sa akin na hindi ako nag iisa. At nagpamulat sa akin na hindi dapat ako mabalot ng hinanakit sa mga taong nakagawa sa akin ng masama dahil
Read more