“Hindi ka uminom?” Tanong niya nang palayo na sila sa mga nagkakasiyahan.Napatingin sa kaniya si Aeros, seryoso ang ekspresyon ng mukha nito, maging ang mga matang nakatingin sa kaniya ay seryoso rin.Nagtagal din bago siya nagsalita. Naiiwan ang kaniyang isip sa nangyari kanina, kaya ngayon na bigla siyang nagtanong, nagulat siguro ito dahil iyon agad ang lumabas sa kaniyang bibig.Hindi siya makapaniwala na tinawag siyang ‘misis’ ni Aeros sa harap ng mga tauhan. Naghiyawan pa ang mga lasing na kalalakihan, para bang chini-cheer sila. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari, parang sirang plakang paulit-ulit na nagpi-play sa likod ng kaniyang isip.“Hindi. Ikaw… uminom ka ba?” Balik-tanong nito.Kamuntik na siyang mapainom kanina dahil sa pressure na naramdaman nang bigla siyang tanungin tungkol sa pagbubuntis. Naalala niya kung paanong may bigla na lamang bumukol sa kaniyang lalamunan dahilan para maisipan niyang uminom sa kopeta.Bumagal ang kaniyang lakad, nawala na sa isip niya a
Read more