ROSAHumigpit ang kapit ko sa hawak kong folder habang nakatayo sa harapan ng napakalaking gusali. Nakatingala ako sa mataas na nitong estraktura na halos hindi ko na makita ang dulo. Puro salamin ang harapan nito at kitang-kita ko ang sarili kong repleksyon. Simpleng white polo shirts, itim na palda at ang sapatos ko na pinatahi ko pa dahil nanghihinayang akong itapon dahil puwede pa naman.Napabuntong hininga ako dahil nga sa kaba, pakiramdam ko tuloy napaka-ilusyunada ko dahil dito ko pa talaga gustong mag-apply.“Sigurado ka ba rito, Rosa?” Tanong ko sa sarili ko.Nakita ko lang ang hiring na nakapaskel habang naglalakad ako kahapon. Dahil kailangan ko ng trabaho kaya sinulat ko ang address para hindi ko makalimutan. Magbabakasakaling baka tanggapin nila ako kahit ano basta makapagtrabaho lang kung wala talaga sa posisyon na gusto ko.Kinapalan ko nalang talaga mukha kong mag-apply dito dahil sa dami ko ng inaplyan wala talaga.“Bahala na,” mahina kong bulong.Kung uurong ako n
최신 업데이트 : 2026-06-05 더 보기