LOGINROSA“I want you now.”Oo gusto ko pero sobrang bilis kung bibigay na ako agad.“S-sir,” mahina kong sabi.“It's okey,” malamig ang boses na sabi niya at lumayo siya ng bahagya sa akin“Sorry,” yuko kong sagot.“No, you don't need to. Masiyado lang akong nadala, ang mabuti pa ihahatid na kita baka hinahanap ka na ng mama mo.”Hindi na ako sumagot pumasok na kami sa loob ng kotse.“Tomorrow, susundoin kita at ipapakilala na kita kay Grandma.”“Ha? Bukas na agad?” Hindi makapaniwalang sabi ko.“Yes, I don't have time. Kailangan ko ng bilisan,”Hindi na ako sumagot pakiramdam ko ang bilis-bilis ng mga nangyayari ngayong mga nagdaan na araw tapos ito ngayon. Magpapanggap akong dati niyang karelasyon at niyaya niya akong magpakasal at maghihiwalay rin.—Kinabukasan nakahanda na ako at papunta na ako sa kaniya dahil sabi niya naroon na siya naghihintay. Tahimik akong pumasok sa loob ng kotse pagdating ko.Ngayon nga nandito na ako kasama siya pero ang utak ko paulit-ulit na tinatanong ang
ROSAMalamig sa loob ng kotse pero ako ito nag-iinit ang pakiramdam dahil sa nangyari kanina, pakiramdam ko dama ko pa rin ang labi ni sir dito sa labi ko. Hindi pa umaandar ang kotse nandito pa kami sa parking.“Your address?” Napalingon ako sa kaniya at hindi agad nakapagsalita dahil nakatingin ako sa labi niya.“You want more?” Napaayos ako ng upo at bahagyang napalunok at pilit na ngumiti.“S-sir, ako nalang ang-”“Stop calling me sir,” seryosong pagkakasabi niya.“O-okay, pero huwag mo na ako ihatid ano kasi…” napakamot ako sa ulo ko kasi parang hindi bagay na makarating siya doon.“Gabi, delikado.” Saad niya.“Pero sir… Yung kanina na sinabi mo seryoso ka doon?” Tukoy ko sa sinabi niya na Marry me.“Yes.” Tipid niyang sagot.“Ano kasi hindi ba ikakasal ka na?” Diretsong tanong ko."I don't like Bianca and I don't have any feelings for her."Marahan na napatango ako.“This is a deal Rosa, you help me and I help you too. After this, maghiwalay tayo.” Parang nalungkot naman ak
ROSA“Tumigil ka Rosa, aba dalawang araw palang kayong magkakilala ni sir.” Saway ko sa isipan ko.Tahimik na bumalik ako sa mesa ko at nagkuwanring abala. Ngunit hindi ko maiwasan na hindi mapatingin o makinig sa pag-uusapan nila.“When will you tell the media?”Hindi sumasagot si sir sa gilid ng mata ko kita ko na tahimik na nakasandal lang siya. Pero kailangan ba pati sa media ipaalam? Sabagay kasi kilala at mayaman sila.There is no reason to postpone. So, tell me my dear soon husband?” Wala pa rin sagot si sir at ako ang kinakabahan dito habang nakikinig dahil parang nakikita ko ang pagkaasar ni Bianca.“I’ll handle it.” Malamig na tugon lang ni sir.Hindi ko alam pero ramdam ko sa boses niya na napipilitan lang siyang sumagot. At parang napansin rin yon ni Bianca.Asar na tumalikod si Bianca at nagmamadali na tinungo ang pinto at binuksan ngunit bago siya umalis ay nilingon niya ako.Nakangiti siya yung ngiti niya parang nang-aasar.“Take care of him.” Hindi ako nakasagot a
ROSABuong umaga akong hindi mapakali, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi niya kanina at higit sa lahat , ang paraang ng pagtitig niya. Parang hindi ‘yon tingin ng CEO sa isang empleyado.“Rosa.” Napapitlag ako dahil sa malalim na pag-iisip ko muntik ko pang mabitawan ang lumang tablet na hawak ko dahil nilagay ko lahat doon ang schedule niya.“May kailangan po ba kayo?” Tanong ko at agad akong tumayo.“Coffee.” Tumango ako at mabilis na nagtungo ako sa pantry area. Habang nagtitimpla ako ako ay napabuntong hininga, dahil kailan kaya kakalma ang sarili ko.Kapag nagsasalita siya o gagalaw naaalarma ako agad, pinilig ko ang ulo ko at dinala ko na ang kape niya. Maingat ko yun inilapag sa mesa niya.Wala naman siyang sinabi pagkatapos ko mailapag ang kape dahil patuloy siyang nakaktingin sa binabasa niya. Akmang babalik na ako sana sa pwesto ko nang…“Sit.” bigkas niya na hindi man lang tumitingin.“Ha? Ako po sir?” Takang sagot ko.“Do you see anyone else here?” nakaang
ROSAAla singko pa lang ng umaga ay gising na ako. Dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos kagabi.Paulit-ulit kasing bumabalik sa isip ko ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may trabaho na ako. At higit sa lahat…Secretary pa mismo ng CEO.Naupo ako sa gilid ng kama dito sa maliit kong silid. Tahimik pa ang buong bahay, natutulog pa si mama at kapatid ko sa kabilang kwarto. Itong kwarto namin paglabas mo ilang hakbang lang hagdanan na. Gawa sa kahoy itong taas namin at sementado naman sa baba. Luma na rin ‘tong inuupahan namin.Pero dahan-dahan akong napangiti dahil sa wakas, may mabibigay na rin ako kay mama. Hindi na naming kailangang mag-aalala kung saan namin kukunin ang pambayad sa mga gastusin sa susunod na buwan. Nang malaman ni mama ang trabaho ko pati siya at ang kapatid ko na si Justin ay hindi rin makapaniwala.Niloko pa ako ng kapatid ko na baka raw type ako. Sagot ko imposible dahil sobrang layo ng antas ng buhay namin. At ngayon
ROSAHindi pa rin ako makapaniwala, parang nananaginip lang ako habang nakaupo kasama ang dalawang empleyado ng kompaniya. Paulit-ulit kong tinitingnan ang kontratang na sa harapan ko ngayon.Nakasaan doon ang pangalan ko.Rosa Castillo.Sa ibaba naman ay ang posisyong hindi koo man lang inaasahang makukuha at hindi rin sa panaginip.Executive Secretary to the CEONapakurap ako, hindi ba dapat may interview muna? Tapos exam at training.Hindi ‘yung isang tingin lang sa akin tapos hired na ako agad grabe nakakabuang naman ‘to.“Miss Castillo.” Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko.“Po?” Sagot ko na lutang pa rin.“Okay ka lang ba?”“Ha? O-opo.” Natataranta sagot ko.Ngumiti sjya. “Mukhang hindi ka pa rin makapaniwala.” Hindi lang sa hindi makapaniwala nalilito na rin ako at kinakabahan gusto ko sana isatinig. Sa halip ay pilit akong ngumiti.“First time ko lang po kasi sa ganito kalaaking kompaniya at lalo na sa posisyon na ‘to.” Saad ko na hindi makangiti ng maayos.“Naiintin
ROSAHumigpit ang kapit ko sa hawak kong folder habang nakatayo sa harapan ng napakalaking gusali. Nakatingala ako sa mataas na nitong estraktura na halos hindi ko na makita ang dulo. Puro salamin ang harapan nito at kitang-kita ko ang sarili kong repleksyon. Simpleng white polo shirts, itim na pa







