Ang loob ng Rolls-Royce Phantom ay balot ng katahimikan, maliban sa mahinang ugong ng aircon at ang tibok ng puso ni Aria na tila gustong kumawala sa kanyang dibdib. Sa labas, ang mga ilaw ng siyudad ay mabilis na naglalaho, habang papalapit sila sa engrandeng hotel kung saan gaganapin ang Charity Ball.Nakasandal si Aria sa leather seat, pilit na pinapakalma ang sarili. Ang dyamanteng kuwintas sa kanyang leeg ay tila bumibigat habang papalapit sila sa destinasyon.FLASHBACK (Dalawang taon ang nakalipas...)Nasa isang garden party sila para sa selebrasyon ng anibersaryo ng kumpanya ng tatay ni Aria. Suot niya noon ay isang simpleng puting dress, bata pa at inosente. Nakaupo siya sa isang bench nang lumapit si Liam—ang matalik na kaibigan ng kanyang ama."You look beautiful today, Aria," sabi ni Liam noon. Ang boses nito ay pormal, gaya ng isang tito, pero may kakaibang lalim ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya."Salamat po, Tito Liam," sagot niya nang may ngiti.Hindi niya na
최신 업데이트 : 2026-06-08 더 보기