Kinakabahan si Shelly habang nakasunod sa likod ng matangkad at eleganteng si Doña Fatima. Wala siyang magagawa; ang aura ng Doña ay hindi nagbibigay ng opsyon para tumanggi. Ramdam niya ang bawat tibok ng puso niya na parang gustong kumawala sa kanyang dibdib. Habang naglalakad sila sa corridor, palihim siyang lumapit kay Gabriel. "Gabriel, anak," pabulong na sabi ni Shelly, ang boses ay nanginginig sa kaba. "Please, mag-behave ka lang sa loob. Huwag mo siyang babarahin, okay? Pakiusap. Idedeliver lang natin ang cake, tapos babalikan kita agad. Huwag kang pasaway, please." Tumigil si Gabriel sa paglalakad at tinignan ang kanyang ina nang seryoso, bagaman may halong pagkadismaya sa kanyang mga mata. "Mom, my communication style is professional. Stop worrying about my behavioral output. I can handle this." "Gabriel, please..." pagmamakaawa ni Shelly, ramdam ang bigat ng sitwasyon. "Just for today. Stay in the corner, don't talk back. Iiwan muna kita here, okay? I'll be back. Okay?"
Last Updated : 2026-06-08 Read more