Ang buong maghapon at magdamag ay lumipas na puno ng katahimikan para kay Chrisha. Walang magulong sasakyang dumating, walang bago na pagbago sa kaniyang kapaligiran. Subalit sa kaniyang isip, patuloy ang pag-ikot ng mga plano para sa kaniyang hinaharap. Habang hinahawakan ang kaniyang tiyan, alam niyang hindi niya pwedeng hayaang magkaroon ng maling impresyon ang kahit na sino tungkol sa kaniyang sitwasyon ngayon, lalo na ang kaniyang ex-boyfriend.Kinabukasan, muling kumatok si Mark sa kaniyang pinto bago ito tuluyang mag-check out sa resort para bumalik ng Maynila. May dala itong isang maliit na paper bag ng mga lokal na kakanin na muli nitong binili sa bayan para raw baon ni Chrisha sa kaniyang pagpapatuloy ng pananatili roon."Magandang umaga, Chrisha. Huling silip lang bago kami bumabiyahe pabalik ng Maynila mamayang hapon," nakangiting bati ni Mark nang buksan ng dalaga ang pinto."Magandang umaga rin, Mark. Sige, pasok ka muna," sagot ni Chrisha, ngunit sa pagkakataong ito, an
최신 업데이트 : 2026-06-14 더 보기