“Dahil tumakas ako. Ikaw naman, hindi ka tumakas. Umuwi ka lang muna sa bahay niyo, tapos babalik ka rin dito. Kahit hindi ka na rito tumira pagbalik mo, okay lang. Ang mahalaga, bumalik ka.”“Mapilit ka talaga.”“Kasalanan mo ’yan at naging kaibigan mo ako.”“Pero sa totoo lang, ikaw lang sa mga kaibigan ko ang talagang nakakaintindi sa sitwasyon ko. Dahil pinagdaanan mo na rin kasi ’yan,” natatawang sabi ni Febi.Natawa si Eunice.Sa buong araw na magkasama sila ni Eunice, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Febi. Kahit sandali, nakalimutan niya ang mga problema niya, at higit sa lahat, may kaibigan pa ring handang makinig sa lahat ng hinaing niya.Kinabukasan, sinamahan nina Eunice at Hector si Febi sa airport. Simpleng bagay lang iyon, pero labis na ikinasaya ni Febi.“Sabihan mo ako kapag manganganak ka na,” sabi ni Febi habang hinahaplos ang tiyan ni Eunice.“Bakit, mangkukulam ka ba at kaya mong tumulong kahit malayo?” tanong ni Eunice.“Oo, marami akong magic.”“Basta hu
Read more