SHANAIA ISABELLEHuwebes ng umaga.Hindi pa man ako tuluyang nakakabawi sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw, nasa kusina na agad ako habang umiinom ng kape. Abala si Mom sa pagre-review ng mahabang grocery list, samantalang si Shally naman ay paikot-ikot sa sala na para bang may malaking misyon."Ate, ready ka na ba?" masigla niyang tanong."Hindi naman tayo pupunta sa kasal. Grocery lang.""Exactly! Kaya dapat mabilis."Napailing na lang ako. Akala ko kaming tatlo lang. Pero paglabas namin ng bahay..."...Good morning, hon."Napapikit ako. Nakasandal si Ethan sa itim niyang SUV. Kaswal lang ang suot niyang polo at maong, pero agad siyang ngumiti nang makita ako.Lumapit si Shally sa akin. "Surprise.""Tinawag mo siya?""Nakisabay lang.""Nakisabay?""Oo."Huminga ako nang malalim. Hindi na ako nagsalita.Pagdating namin sa supermarket, hinati agad ni Mom ang listahan."Shally, ikaw sa akin." Pagkatapos ay ibinigay niya ang isa pang listahan kay Ethan. "Kayo naman."Napatingin a
Baca selengkapnya