SHANAIA ISABELLETatlong araw. Tatlong araw akong halos hindi umaalis sa opisina.Katulad ng gusto kong mangyari, tinapos ko ang lahat ng trabahong naipon habang wala ako. Mula umaga hanggang gabi, nakatutok lang ako sa mga dokumento, reports, at approvals na naghihintay ng pirma ko. Ayokong mag-iwan ng kahit isang pending file. Kung aalis man ako bilang CFO, gusto kong malinis ang lahat.Samantala, si Ethan ay pansamantalang bumalik sa CEO's Office. Hindi pa siya opisyal na lilipat sa dati kong posisyon hangga't hindi ko naisusumite ang resignation ko.At si Mr. Parker... Hindi ko na siya muling nakita matapos ang mainit naming pagtatalo sa labas ng opisina ng CEO.Sa totoo lang, nagpapasalamat ako. Kung may empleyadong nakasaksi sa nangyari noong araw na iyon, siguradong magiging usap-usapan iyon sa buong E&G. Mas mabuti nang tahimik. Mas mabuti nang matapos ang lahat nang walang panibagong gulo.Habang lumilipas ang mga araw, naging abala rin si Ethan sa pagbawi ng mga trabahong na
اقرأ المزيد