Sana'y bumuka na lang ang lupa sa kinatatayuan ko at tuluyan akong lamunin.Sa lahat ng klase ng kahihiyan na puwedeng maranasan ng isang tao, ito yata ang pinakamasakit—ang mapagtanto mong sa loob ng limang taon mong paghihintay, maling akala pala ang pinanghawakan mo.At ngayon, nakaupo ako sa harap ng babaeng limang taon kong hinanap, habang pilit na pinapakalma ang sarili ko dahil kanina lang ay halos gumawa ako ng eksena dahil nakita ko siyang kasama ang ibang lalaki.Ang tanga mo, Ethan.“Ba't yukung-yuko ka diyan?” tanong ni Shanaia. Kasunod noon ay marahang niyang inilapag ang tray sa mesa. “Baka mabali na yang leeg mo.”Napilitan akong tumingala. Sandali lamang. Dahil nang magtama ang mga mata namin, agad ko ring ibinaba ang tingin ko sa baso ng juice na nasa harapan ko.Hindi ko kayang titigan siya. Hindi matapos ang ginawa ko.“Salamat... sa juice,” mahina kong sambit.Kinuha ko ang baso at walang-isip na ininom ang laman nito nang diretso. Para bang kapag nalunok ko ang ju
Read more