Hindi na bago para kay Ava ang masaktan, ngunit hindi din siya manhid. Gayon pa man, alam niyang wala din siyang magagawa. Mula simula pa. Ang pag-iyak niya sa kuwarto ay naudlot nang tumunog ang sarili niyang selpon. Inabot niya ito sa standee kung saan ito nakalagay. Lola Minerva. Ang Lola ni Gideon. Mahigpit na hinawakan ni Ava ang tela ng maluwag na polong suot niya. Saka niya sinagot ang tawag. "Hello, Lola," bulong ni Ava, pilit na pinapatatag ang garalgal na boses. "Ava, anak!" masiglang bati ng matanda sa kabilang linya. "Kamusta ka? Namiss kita!" Agad na lumambot ang dibdib ni Ava sa galad na tono ng matanda. "Okay lang po, lola. Kayo?" Tumukhim si Ava, inayos ang nababasag na boses niya. "E ano ba naman ako? Matanda na, walang magawa kaya binisita ko ang nanay mo sa ospital kanina." Tugon ni Lola Minerva. Napatigil si Ava, tila ba nahimasmasan ang limlim ng nararamdaman niya. "Binisita niyo po si Mama?" "Oo naman! Dinalhan ko siya ng bulaklak. Sabi ko sa kanya, '
Last Updated : 2026-06-14 Read more