Share

Her fault

Author: Lyly
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-14 06:36:45

Tila binuhusan ng malamig na tubig ang nag-iinit pa na katawan ni Ava.

Hindi niya alam kung matutuwa siya o masasaktan... O maaawa sa sarili.

Sa tatlong taon na iyon, madalas niyang maisip na matigil na lang ang lahat, habang itinutulak din ang sarili na mahalin si Gideon. Ngunit ngayon na parang mapang-hahawakan na niya ang kalayaan, hindi niya mawari kung bakit parang may parte sa kan'ya na ayaw siyang lumayo kay Gideon.

Hinahanap-hanap ba niya ang mga gabing h********n siya sa hindi maayos na pag-mamahal na mga yakap ni Gideon?

Sanay na ba ang puso niya sa pamilyar na malamig na pakikitungo ni Gideon?

Hirap siyang intindihin ang kakaibang kirot na parang karayom na tumutusok sa puso niya't pumipitik at umaabot sa lalamunan niya.

"D-Divorce?..." Mahina niyang pag-uulit sa bawat hininga na hinahabol pa din niya pagkatapos ng ginawa nila kanina.

"Yes." Tumayo si Gideon palayo sa kan'ya, pasimpleng naglakad sa ding-ding kung saan naka sampay ang malinis na tuwalya. "Tutal, parang gusto mo talagang layuan ako, why not have what you want?" Ang tono niya ay hindi lumalayo sa pangungutya.

Ibinalot ni Gideon ang tuwalya sa baywang niya.

"Bakit..." Hindi mapigilan ni Ava ang mag-tanong. Dahil hindi niya maunawaan kung bakit tila bigla-biglaan ito.

Parang mayroon itong hindi magandang dulo.

Napabangon si Ava sa kama, ang makurbado niyang katawan ay binalutan ng puting kumot.

"Just." Tamad na sagot ni Gideon. "I will talk to Celestia to process the divorce. She'll be my divorce lawyer."

Na estatwa si Ava. Hindi niya nagustuhan ang banggit ng pangalan na iyon.

Celestia... Ex girlfriend ni Gideon. Kailan pa ito bumalik mula sa America?

"Jealous?" Ngumisi si Gideon nang mahalata ang pag-mumuni sa cute, mabilog at magandang mukha ni Ava.

"I'm not..." Bahagyang napabusangot si Gideon sa sagot ni Ava. "I mean... If we're divorcing, I don't think I shall be rightful for jealousy." Mahinahong paliwanag niya sa kabila ng pag-iinit ng nagbabadyang luha na naiipon sa mga mata niya.

Umiwas siya ng tingin mula kay Gideon.

Blangko namang tumitig si Gideon sa kan'ya, halata na hindi siya natutuwa-- Kahit kailan naman.

"Of course, you wouldn't find it condemning. That your husband dislikes you from the very beginning." Gideon scoffed. "Palibhasa, mahal mo pa 'yung 'tarantado' kong kapatid kaya hindi ako kawalan sa'yo."

Nag-lakad si Gideon patungo sa pintuan ng CR.

Muling napatigil si Ava, kumunot ng bahagya ang noo at napatitig kay Gideon.

"Hindi ko alam kung saan nanggaling ang accusation mo, Gideon. Tatlong taon na tayong kasal pero kung isusumbat mo sa'kin 'yan sa kabila ng sakripisyo na ginawa ko para sa'yo--"

"Sakripisyo?" Pumutol sa boses ni Ava ang baritono at bilog na boses ni Gideon. Tumaas ang makapal niyang kilay, at pangiwi ang gumuhit sa mukha niya. "What sacrifice, Ava? Ako ang bumubuhay sa'yo at sa nanay mong wala nang kuwenta sa hospital."

Parang pinulupot ang puso ni Ava sa narinig. Agad na nanubig ang mga mata niya, dahilan para mamula-mula ang ilong at pisngi sa pinipigilang pag-iyak.

"Forgetting my younger brother is all I asked from you, Ava." Gideon stated dryly. "Pero kung makaasta ka, parang hindi kita binigyan ng pribilehiyo sa kasal na ito. You couldn't even give me a child." Blangko ang mga mata ni Gideon na dumirekta sa lumuluhang mukha ni Ava.

"Stop crying." Dagdag ni Gideon. Hindi pagpapa-tahan. Isang utos.

Walang maisagot si Ava, kahit na hindi totoo ang sinabi ni Gideon. Ngayon, napagtanto na kahit kailan ay hindi nakita ni Gideon ang lahat ng efforts niya, ang pananahimik kahit na galit o nasasaktan, para lang maibigay ang kapayapaan na akala niya ay isang dapat na role ng asawang babae.

Hindi nag-bigay ng kahit na anong ekspresyon si Gideo. Walang awa, wala ding kahit na anong pahiwatig ng selos.

Tanging lamig. Tanging matigas na puso na para bang kahit kailan ay hindi lumambot para kay Ava.

Nag-iwan nang maalingaw-ngaw na katahimikan sa buong kuwarto ang pag-sarado ng pinto nang pumasok si Gideon sa banyo.

Nanginginig ang mabigat na pag-singhap ni Ava sa kan'yang hininga kasunod ng tuluyang pag-dagsa ng mga luha sa pisngi niya.

Dapat ba siyang maniwala na kasalanan niya ang lahat? Kahit anong parte ng sitwasyong ito, pakiramdam niya ay parang siya na lang ang dapat sisihin.

Sa malamig na pakikitungo ni Gideon, sa mga pag-tatalik niya sa ibang babae, palaging si Ava na lang ang sinisisi. Palaging ang pag-kukulang na lang niya na hindi niya alam kung ano pa ang dapat na gawin para gampanan ito ng maayos.

Iba siguro... Kung kay 'Giovanni' siya ikinasal-- hindi niya mapigilang mapaisip habang pinunasan ang mga luha niya gamit ang tela ng kumot na humahagkan sa kan'ya.

Mabribato ang kinig ng pag buga niya ng hangin dala ng naninikip niyang dibdib dahil sa pag-iyak niya.

Isa din sa pinaka problema niya ngayon... Ay ang mama niya. Dahil si Gideon ang nagbabayad sa lahat.

Saan niya kukunin ang gasto niya? Tatlong taon na siyang ikinukulong sa malawak at magarang property ng mga Valderama. Ultimo pag hugas niya ng pinggan ay hindi na niya alam.

Tatlong taon na kasal... Isang bagay na pinanghawakan at inaasahan ni Ava na maaayos pa kung pag-lalaanan niya at isasakripisyo ang buong sarili.

Pero ang mga salita ni Gideon ngayon ang nag-patunay na ginamit lang siya.

Una siyang na engage kay Giovanni, ang nakababatang kapatid ni Gideon. Tunay ang pag-mamahalan nilang dalawa... O pinaniwalaan ni Ava.

Sa di malamang dahilan, nag-pakita ng motibo si Gideon noon, na naging ugat upang maikasal siya kay Gideon.

Malaki ang naging dulot ng eskandalong iyon sa mayaman at malakas na pangalan ng Valderama, kaya naman ay puma-ibang bansa si Giovanni para lang mapa-tone down ang issue.

"Kasalanan ni Ava ang lahat." Bulong niya sa sarili.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Eat Well

    “You didn't sleep with Ava last night!! I just know!!!” Umalingawngaw ang sigaw ni Lola Minerva sa selpon habang nakasandal si Gideon sa kan'yang swivel chair.Kakatapos lang ng meeting ni Gideon sa mga boardmembers ng kompanya para sa Gala mamayang gabi na iikutan ng eco-project kung kaya't hindi pa man alas dose ay pakiramdam niya ay lupaypay na ang enerhiya niya.Ngayon ay dumagdag pa ang bulyaw ni Lola Minerva.Hindi pa naman siya nakatulog kagabi dahil kasama niya si Celestia.He pinched his nosebridge. Isang malalim na hininga ang kumawala sa kaniya.“I was busy, lola. I needed to meet with my attorney for a very important matter. At saka kahit hindi naman kami magkatabi kagabi ay magkasama pa din kami sa susunod na mga gabi. May ibang araw pa” pagod na paliwanag ni Gideon. “May ibang araw ang mata mo! Ilang taon na akong nag hihintay!” Bulyaw pa ni Lola.Gideon had to lean away from the phone sa nakakabinging boses ng matanda, at saka siya blangkong napa tingin sa kisame haban

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Red

    Ngayong gabi ay magaganap ang isang malaking gala para sa eco-project business launching ng Valderama group at ang mga asosyo nito.At hindi gusto ni Celestia na malamangan.Ilang linggo din niyang pinagtrabauhan ang acquisitions, contracts, at communications sa kabi-kabilang mga investors upang e network ang proposed project ng Valderama. At sa gala na magaganap, bilang isa sa pinakamagaling na babae sa kalakaran ng ganitong mga negosyo, Celestia is expecting to be the light of the party.Kasalukuyan siyang nag-lalakad sa ma-espasyong pavement ng parking lot patungo sa entrada ng 'The Fashion Forum' boutique. Hawak-hawak niya ang sariling selpon sa taenga dahil kanina pa niya kausap ang secretary ni mister Gilson.“Mr. Gilson will not be meeting with any Valderama representatives.” Saad ni Jake sa kabilang linya. “He will not be needing to.”Isang kunot sa noo ang gumuhit sa pagitan ng mga kilay ni Celestia na maayos na naka-ahit nang pumasok siya sa isang luxurious boutique. Nakasuo

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Who is Benedict Gilson?

    Halos buong gabi din ay nag hintay si Benedict ng reply ni Ava kagabi sa kabila ng pagod niya sa flight kagabi. Pero walang dumating sa kan'ya na mensahe mula kay Ava. “She must have spent the entire night with that man” bulong niya sa sarili at saka sumandal sa swivel chair ng sarili niyang opisina habang hawak-hawak ang selpon. Sa polished, expensive, dark mahogany na lamesa niyang puno ng naka arranged na mga papelis, nakatayo ang gawa sa kahoy at glass ang umiilaw na gintong name sign kung saan nakasulat ang: 𝘽𝙚𝙣𝙚𝙙𝙞𝙘𝙩 𝙂𝙞𝙡𝙨𝙤𝙣, 𝘼𝙩𝙩𝙤𝙧𝙣𝙚𝙮 𝙖𝙩 𝙇𝙖𝙬 Naka extend ang isa niyang kamay sa lamesa at kaswal na nakapatong sa isang papel na may nakasulat na 𝙋𝙧𝙞𝙫𝙖𝙩𝙚 𝙋𝙡𝙖𝙘𝙚 𝙈𝙚𝙢𝙤𝙧𝙖𝙣𝙙𝙪𝙢 patungkol sa isang confidencial investmen na may halagang bilyones-- bilang isang secret investor. He tapped rhythmically on the paper, halata ang inip sa kilos niya. Kumunot ang noo niya ng bahagya. “Message her... Or not?” Muling bulong niya sa sarili. Ilang

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Breakfast

    The morning sunlight streamed through the tall glass windows of the dining hall, illuminating the polished marble floor and the long mahogany table.Tahimik ang buong mansiyon maliban sa tunog ng kubyertos at mahinang pag higop ng kape sa tasa na nanggagaling sa dining area.Nasa dulong bahagi ng hapag si Gabriel, nakasuot ng plantsadong puting polo at itim na pantalon. Nakabukas ang isang pahina ng news paper sa tabi ng kaniyang plato habang isa-isang hinihiwa ang pagkain sa harapan niya.Wala siyang kasamang iba.Wala si Gideon.Wala rin si Lola Minerva.At nang pumasok si Ava, hindi man lang nag-abalang tumingin si Gabriel.Saglit na napatigil si Ava, nag aalanganan kung tutuloy ba siya? Hindi siya gaanong malapit kay Gabriel. Kung tutuusin ay halatang ayaw siya ng matanda. At mas lalong mahirap para sa kaniya kung silang dalawa lang ang nasa dining area, lalo na at gutom na gutom siya.Wala naman siyang ginawang pang aapi kay Ava. Pero siguro, bilang isang matanda na namuhay sa ma

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   He Chose Her

    Gideon's pace was unhurried through the long hallway towards the closed guest room. Hindi mabasa ang expression niya habang naglalakad siya.He is irritated. Buong hapunan, wala nang binanggit si Lola Minerva kun'di ay pang iinsulto kay Celestia at dapat na mabuntis si Ava. The damning part is he has been doing it raw with her. Halos gabi-gabi na niyang galawin si Ava sa buong kasal nila.Wala pa din. Walang anak. Walang ni isang sensyales na buntis si Ava. Gideon is a healthy man, and as much as he knows, Ava doesn't have any fertility issue either.At ang naiisip ni Gideon ay baka nga nag bi-birth control si Ava.Dahil sa bawat pagtatapos ng init ng pag konekta sa katawan nila, bumabalik at bumabalik pa din ang lamig pagkatapos ng labasan sa tuwing nag sisiping sila. Gabi-gabi, walang pagtatalik na hindi nauuwi sa mapanglaw na pag sasama.Na para bang parausan lang talaga ang pakinabang ng kasal nila.Bukod pa do'n, Giovanni's return still gets under Gideon's skin. At ang bawat r

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Lola Minerva

    At some point, Ava wished she met none of these people. Even Giovanni. Kung puwede lang na maibalik ang nakaraan, she will live her life without meeting them again. Dahil pag tutuusin, maliban sa nanay niya ay wala na siyang problema sa divorce. She has long been denying and trying to detach from the feeling of worthlessness. A silent quitting.Ang estado ng buhay niya ngayon ay isang ultimate emotional, financial, at personal failure.Wala siyang sasandalan pagkatapos ng divorce. Sasarado ang pinto ng Valderama sa likod niya habang mag-lalakad siya palayo sa hindi niya alam.It feels as though she doesn't have a certain future outside of this marriage. 'Yon ang isa sa pinaka nakakatakot na parte nito.“Ava darling, it's been so long!” Nabasag ang nakaka suffocate na tensyon sa dining area nang sa wakas ay dumating na si Lola Minerva. Ang tono niya ay matamis, nagagalak ang mga ngiti sa labi habang naglalakad siyang naka extend ang mga braso sa paparating na yakap.She was wearing a

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Divorce talk

    Kumurap-kurap ang mga mata ni Ava nang tumama ang sinag ng araw sa kan'yang mukha. Mainit. Mapayapa. Sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, hindi siya nagising na mabigat ang dibdib. Bakit parang magaan ang pakiramdam niya? Dahil ba 'yon sa pag-iyak kahapon? O sa divorce, kahit na kabaliktar

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Let's get a Divorce

    Three Million Pesos.Iyon ang magiging penalty ni Ava kung aalis siya sa kasal na ito.Malakas siyang napabuntong hininga habang namamasa-masa ang mata niyang nakatingin sa tambak na papeles sa lamesa niya. Nakahilata dito ang mga resibo ng bayad na bills mula sa pera ng asawa niya para sa comatos

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Domestically Sexy

    Hindi na bago para kay Ava ang masaktan, ngunit hindi din siya manhid. Gayon pa man, alam niyang wala din siyang magagawa. Mula simula pa. Ang pag-iyak niya sa kuwarto ay naudlot nang tumunog ang sarili niyang selpon. Inabot niya ito sa standee kung saan ito nakalagay. Lola Minerva. Ang Lola ni

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Walang kasiguraduhan

    Humugot ng malalim na hininga si Ava nang makalabas na si Gideon sa CR makalipas ang ilang minuto. Basa pa ang magulo niyang buhok na pinupunasan niya gamit ang tuwalya."Perhaps you should start moving out of my place tomorrow." Umusal ni Gideon na muling bumasag sa katahimikan ng kuwarto. "It wil

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status